^

PSN Palaro

Tyson

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dalawang taon na lang, senior citizen na si Mike Tyson.

Yes, 58 na siya sa June 30. Pero ‘wag ka, lalaban pa ulit ang dating undisputed heavyweight champion.

Si Jake Paul, ang 27 anyos na social media star at ngayon ay boxer na, ang kalaban ni Tyson sa July 20 sa Arlington, Texas.

Sanctioned as professional fight ang laban kahit na two minutes per round at eight rounds lang ito.

Ibig sabihin, at stake ang records nila – 50-6-2 kay Tyson at 9-1 kay Paul.

Ewan ko lang pero 58 years old!

Parang dehins ko maisip kung ano ang kahihinatnan ng laban especially para kay Tyson.  At hindi ko alam kung bakit lalaban pa siya.

Dehins kailangan ni Tyson ng pera dahil matapos niya itapon lahat ng kinita niya sa boxing, sinuwerte siya sa negosyo.

At ‘wag kayo magulat dahil sa marijuana industry, na ligal naman sa Amerika, nag-click si Tyson.

Sitting pretty na siya. Buhay milyonaryo na ulit si Tyson.

Magkano kaya ang sahod niya para labanan si Paul, na para na niyang anak?

Kung $20 million, why not?

vuukle comment

MIKE TYSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with