Blazers lusot sa Heavy Bombers sa OT

MANILA, Philippines — Umiskor si Miggy Corteza ng 21 points para tulungan ang College of St. Benilde sa 93-85 overtime win laban sa Jose Rizal University sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Humakot si big man Will Gozum ng double-double na 18 points at 11 rebounds para sa unang panalo ng Blazers matapos ang naunang pagkatalo.

Minalas naman ang JRU sa ka­nilang hangad na pagsosyo sa liderato para sa 1-1 baraha.

Ang jumper ni Agem Miranda ang nagtabla sa Jose Rizal sa 75-75 sa huling 1:23 minuto ng fourth period na pumuwersa sa St. Benilde sa extension.

Apat na sunod na tirada ang ginawa ni Gozum sa pagsisimula ng extra period habang ang three-pointer ni Cortez ang nagtayo sa 89-81 bentahe ng Blazers sa natitirang 33.4 segundo ng laban.

Binanderahan ni Miranda ang Heavy Bombers sa kanyang ipinukol na game-high 31 points.

Wala na siyang ibang teammate na umiskor ng double-digit.

Show comments