^

PSN Palaro

Hindi pa tapos ang laban!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hindi pa tapos ang laban!
The spotlight will be on NU, which wiped the floor with all its counterparts in Season 84 to cap a perfect 16-0 championship run for its first volleyball crown in 65 years.
UAAP Media Bureau

Sigaw ng NU

MANILA, Philippines — Tagilid ang defending champion National University matapos makuha ng La Salle ang Game 1 ng UAAP Season 85 women’s volleyball best-of-three championship series kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.

Naitarak ng Lady Spikers ang pahirapang 18-25, 25-22, 22-25, 25-21, 15-13 desisyon kontra sa Lady Bulldogs.

Sa fifth set, tinamaan pa ng dagok ang NU matapos magtamo ng injury si starting middle blocker Sheena Toring.

Maayos naman ang kalagayan ni Toring base sa assessment ng kanilang physical therapist. Subalit wala pang linaw kung makalalaro ito sa Game 2.

Gayunpaman, iisa ang nasa isip ng Lady Bulldogs.

Hindi pa tapos ang laban!

Desidido ang NU na makabawi at maipuwersa ang deciding Game 3 sa oras na makaharap nito ang La Salle sa Game 2 ng championship series sa Linggo na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“For sure, kasi iyong game kahapon parang dikitan iyong labanan so may chance pa rin kami manalo for Game Two,” wika ni Toring.

Kailangang kumayod ng husto ng Lady Bulldogs upang makahirit ng rubber match.

Solido naman ang opensa ng Lady Bulldogs sa pangunguna nina top spiker Alyssa Solomon at reigning MVP Bella Belen.

Isa sa tututukan ng NU ang errors nito matapos makagawa ng 34 sa Game 1.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with