Gordon hataw ng 50 points
SALT LAKE CITY -- Humataw si Eric Gordon ng career-high 50 points para tulungan ang Houston Rockets sa 126-117 paggiba sa Utah Jazz bagama’t hindi naglaro sina James Harden at Russell Westbrook.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hindi naglaro si Harden bunga ng kanyang bruised left thigh habang ipinahinga naman ng Rockets si Westbrook.
Hindi rin naglaro si center Chris Capela na may bruised right heel.
Nag-ambag si Danuel House Jr. ng 21 points at 11 rebounds habang may 21 markers si Austin Rivers para sa Houston.
Humataw naman si Donovan Mitchell ng 36 points at may 30 markers si Bojan Bogdanovic sa panig ng Jazz.
Sa Oklahoma City, nagposte si guard Luka Doncic ng 29 points at 11 rebounds para akayin ang Dallas Mavericks sa 107-97 panalo kontra sa Thunder sa gabi kung saan nagkaroon ng mga tributes para kay Kobe Bryant.
Hindi naglaro si Oklahoma City guard Chris Paul dahil sa personal na dahilan isang gabi matapos ang pagkamatay ni Bryant, isa sa mga all-time great ng liga, dahil sa helicopter crash.
Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 15 points para sa Mavericks.
Sa Miami, itinala ni Bam Adebayo ang kanyang ikatlong triple-double sa season para pangunahan ang Heat sa 113-92 pananaig laban sa Orlando Magic na may 20 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Miami, nakahugot rin kay Duncan Robinson ng 21 points.
- Latest