^

PSN Palaro

Depensa ang susi! sa 2-1 lead ng Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Depensa ang susi! sa 2-1 lead ng Ginebra
Tinangkang supalpalin ni Ginebra import Justin Brownlee si Raymond Almazan ng Meralco sa Game 3 ng PBA Finals.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Mula umpisa hanggang sa third period ay si Justin Brownlee ang bumantay kay Allen Durham.

Ang resulta ng defensive plan ng Barangay Ginebra ay ang kanilang 92-84 pagganti sa Meralco sa Game Three ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mabilis na bumangon ang Gin Kings mula sa nauna nilang 102-104 kabiguan sa Bolts para kunin ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven championship series.

“Actually, it’s a collective team effort talaga. I give credit to my teammates kasi lahat sila nag-step up sa defense and offense,” ani Japeth Aguilar na nagtala ng 23 points, 7 blocks at 5 rebounds.

Kinuha ng Ginebra ang 19-7 abante sa 5:55 minuto ng first period kung saan nagkaroon si Meralco center Raymond Almazan ng left knee injury at hindi na nakabalik sa laro.

Naagaw ng Bolts ang 42-40 abante papunta sa halftime sa likod ng 20 points ni Chris Newsome bago nagpakawala ang Gin Kings ng 15-2 atake para ilista ang 12-point lead, 57-45, sa unang apat na minuto ng third quarter.

Lalo pang ibinaon ng Ginebra ang Meralco sa 78-55 mula sa one-hander ni 7-foot-1 Greg Slaughter sa huling 22 segundo ng ng nasabing yugto.

Nagawa naman ng Bolts, yumukod sa Gin Kings sa Game One, 87-91, noong Mates, na makalapit sa 82-87 mula sa pagbandera nina Newsome at Durham sa huling 2:04 minuto ng final canto.

Ngunit naroon sina LA Tenorio at Aguilar para mu­ling ilayo ang Ginebra sa 92-84 sa nalalabing 31 segundo ng labanan.

ALLEN DURHAM

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with