Saso malamya ang inilaro, Oliva pumuwesto sa No. 7 sa finals
BUENOS AIRES -- Pumalo si Fil-Japanese Yuka Saso ng mababang four-over-par 74 para pumuwesto sa pang-lima sa women’s golf sa 2018 Youth Olympic Games dito.
Inamin ni Ric Gibson, ang coach ni Saso, na hindi maganda ang inilaro ng 17-anyos na national golfer.
“She didn’t play her best today,’’ wika ni Gibson kay Saso na may dalawang bogey sa No. 11 at No. 15 at may birdie sa No. 12. “It’s really tricky out there today.’’
Nagtala si Saso, ang double gold medalist sa nakaraang 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, ng pinagsamang 145 sa nakaraang dalawang araw at limang strokes ang agwat sa mga nangungunang sina Alessia Nobilio ng Italy at Kim Grace ng Australia.
Si Grace ay nagposte ng 69, habang may 72 si Nobilio para sa magkatulad nilang 140 kasunod sina Emma Spitz (70) ng Australia at Hoyu An (72) ng Chinese-Taipei.
Sampung strokes naman ang agwat ni Pinoy golfer Carl Jano Corpus sa mga lider mula sa kanyang 76.
Nagkaroon ng dalawang bogey ang 17-anyos na si Corpus sa front nine at tatlo pa sa Nos. 13, 14, 15 makaraan ang double bogey sa No. 10.
Bumandera si Karl Vilips ng Australia mula sa kanyang 69-68-137.
“Carl had the same problem today. They putted really well yesterday but didn’t putt as well today,’’ ani Gibson.
Samantala, nakapasok naman si Pinay swimmer Nicole Oliva sa finals ng women's 200m freestyle.
Subalit tumapos lamang siya sa No. 7 sa medal race sa kanyang oras na 2:02.1.
“To make it in the YOG finals is one huge accomplishment for any junior swimmer. Amazing,’’ sabi ni Philippine Swimming Inc. president Lani Velasco.
- Latest