^

PSN Palaro

Pirates humihinga pa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinapos ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang three-game losing skid matapos ta­lunin ang San Sebastian College-Recoletos, 93-85, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumamada si Renz Villegas ng career-high 25 points at nagdagdag si John Barba ng 20 markers para itaas ang baraha ng Pirates sa 7-8 at sosyohan ang Letran Knights sa fifth spot.

Nadiskaril ang target na unang back-to-back wins ng Stags at nalaglag sa 4-11.

“The three losses, like I said sa mga players namin, ay past na pero we have to learn from it,” ani coach Gilbert Malabanan sa Lyceum na kailangang walisin ang huling dalawang laro para sa tsansa sa Final Four.

“The good thing is nakuha namin itong panalo and sabi ko nga, it’s good to be back. Kailangan na kailangan namin itong panalo papunta sa mga susunod na games namin,” dagdag ng dating PBA player.

Pinamunuan ni TJ Felebrico ang San Sebastian sa kanyang 18 points.

Samantala, sumilip ng tsansa sa Final Four ang Arellano University matapos talunin ang Jose Rizal University, 81-77.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with