^

PSN Palaro

La Salle itutuloy ang ratsada vs FEU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ng defending champions De La Salle University na pahabain ang kanilang winning streak sa walo sa pakikipag-upakan nila sa Far Eastern University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Tangan ang 10-1 record, nasa tuktok ng team standings ang Taft-based squad, uumpisahan ang pakay na panalo laban sa Tamaraws sa alas-3:30 ng hapon bago susunod ang bakbakan sa pagitan ng National University at University of Sto. Tomas sa alas-6:30 ng gabi.

Patuloy na kakapitan ni La Salle head coach Topex Robinson ang kanyang kamador na si reigning Most Valuable Player, (MVP) Kevin Quiambao upang pamunuan ang opensa ng kanyang mga kakampi.

Lumiyab si Quiambao sa huli nilang laro kontra mahigpit na karibal na Ate­neo de Manila University kung saan tinalo nila ito, 80-65 noong Oktubre 26.

Kumana si Quiambao ng 33 points, 13 rebounds, dalawang assists at isang steal para sa Green Archers.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with