^

PSN Palaro

Lady Chiefs nagparamdam agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mainit na sinimulan ng defending champion Arellano University ang kampanya nito matapos payukuin ang Colegio de San Juan de Letran, 25-18, 25-12, 25-19 kahapon sa National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball tour­nament sa The Arena sa San Juan City.

Solidong laro ang ibinigay ng beteranong si CJ Rosario nang magtarak ito ng 17 puntos gayundin si dating Far Eastern University standout Danna Henson na naglista ng 11 puntos para sa Lady Chiefs.

Nagdagdag sina team captain Rialen Sante at Jovielyn Grace Prado ng tig-siyam na puntos habang may walong puntos na nai-ambag si Shirley Sa­lamagos para punan ang pagliban ni Menchie Tubiera na hindi nakapag­laro dahil sa iniindang injury.

Sa ikalawang laro, sumandal ang Emilio Aguinaldo College kay Yvonne Joyce Reyes upang hatakin ang pahirapang 23-25, 25-23, 25-21, 20-25, 15-9 panalo laban sa San Beda College.

Tumapos ng kabu­uang 17 puntos si Reyes habang sumuporta si Nergina Pagdanganan na naglista naman ng 14 gayundin si Mikee Ella De Jesus na umiskor ng 11 para sa Lady Generals.

Hindi napakinaba­ngan ang 20 ni Nieza Viray at pinagsamang 24 nina Satrianni Espiritu at Iris Domingo para sa San Beda.

Nakapitan ng Arellano at EAC ang maagang liderato tangan ang parehong 1-0 baraha habang ang Letran at San Beda ay maagang nalugmok sa ibaba ng standings tangan  ang 0-1 kartada.

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

DANNA HENSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FAR EASTERN UNIVERSITY

IRIS DOMINGO

JOVIELYN GRACE PRADO

LADY CHIEFS

LADY GENERALS

SAN BEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with