^

PSN Palaro

Local football leagues dapat palakasin - Dooley

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat  palakasin ang local football leagues kung nais ng Pilipinas na makita ang Pambansang koponan na mamayagpag sa football sa rehiyon.

Ayon kay German-American football coach Thomas Dooley, hindi madadaig ng mga manlalaro ng Thailand, Vietnam at Indonesia ang mga Pinoy booters kung skills sa paglalaro ang pag-uusapan.

Pero tunay na ‘technically sound’ ang mga manlalaro ng ibang SEA countries dahil nasabak sila sa maraming laro sa kanilang mga football leagues.

“They have very, very strong league and the players compete everyday and train with very good players. This is very important for development of young players. Our league in Manila, it’s a good league and good start but not a strong league like in Vietnam, Thailand and Indonesia and that’s a big advantage for them,” wika ni Dooley.

Ang pagkakaroon ng malakas na liga ang siyang dahilan kung bakit ang Thailand ay hindi na tinatalo ng Pilipinas mula pa noong 1971.

“Thailand did an excellent job in developing their players and a great league the past years and we didn’t do it over here,” ani Dooley.

Pero nagagawang makasabay at tinatalo pa ng Pilipinas ang ilang malalakas na bansa dahil tunay na may talento ang Pinoy sa football.

Binanggit ni Dooley ang 4-0 shutout panalo ng Azkals sa Indonesia sa AFF Suzuki Cup Group Elimination sa Hanoi, Vietnam na patunay sa galing ng mga local players.

Ang skills ng Azkals at determinasyon na magpatuloy sa paggawa ng kasaysayan ang siyang sinasandalan ni Dooley para maisantabi ang mas may karanasang Thais sa kanilang tagisan kagabi sa home game ng Pilipinas sa AFF Suzuki Cup semifinals.

Sa Disyembre 10 gaganapin ang home game ng  War Elephants kaya’t kailangan ng Azkals na manalo para  mailapit ang isang paa sa posibleng kauna-una­hang pagtungtong sa finals ng torneo.

AZKALS

PERO

PILIPINAS

PINOY

SA DISYEMBRE

SUZUKI CUP

SUZUKI CUP GROUP ELIMINATION

THAILAND AND INDONESIA

THOMAS DOOLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with