Chessers hangad ang Top 20 finish
MANILA, Philippines - Gagawin ng Team Philippines ang lahat para manalo at makuha ang Top 20 finish.
Lalabanan ng mga Pinoy ang No. 37 Canada ngayon sa pagtatapos ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway.
Sina Grand Masters Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez, Eugene Torre at Jayson Gonzales ang muling magdadala sa kampanya ng bansa sa naturang biennial event sa pagsagupa kina GM Anton Jovalyov, GM Eric Hansen, IM Leonid Gerzhoy at GM Bator Sambuev, ayon sa pagkakasunod.
Kasama ang koponan sa pang-38 sa kanilang 12 points at maaaring makapasok sa Top 20 kung mananaig sa Canadians.
Si Gonzales ang maglalaro sa Board 4 kapalit ng bagitong si Paulo Bersamina matapos magtala ng 2.5 points sa kanyang tatlong laro.
Magbabalik sa aksyon ang 62-anyos na si Torre matapos magpahinga.
Sina Gomez at Bersamina ay parehong may 5.0 points, habang si Torre ay nagsulong ng 4.5 points.
Lalabanan naman ng mga Pinay ang Belgium.
Muling babandera para sa grupo sina Chardine Cheradee Camacho, Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda at Christy Lamiel Bernales katapat sina Hanne Goossens, Iuliia Morozova, Wibke Barbier at Sarah Dierckens.
Nasa pang-42 posisyon ang mga Pinay.
- Latest