Aksyon sa athletics hahataw ngayon 4 ginto hinakot ng Fil-Am gymnast
MANILA, Philippines - Apat na gintong meÂdalya ang inangkin ni Fil-American Elizabeth LeDuc sa gymnastics event ng 2014 Philippine National Games kahapon sa PSC Gymnastics Center sa Rizal Memorial Sports Complex.
Nagdomina ang 17-anyos na si LeDuc, ang inang si Connie ay isang bartender sa United States at tubong Angeles City, sa floor exercise (13.20), uneven bars (12.15) at beam (12.80) para maging individual overall champion (51.35).
Sinabi ni LeDuc, daÂting miyembro ng World Olympic Gymnastics AcaÂdemy (WOGA), na hangad niyang mapasama sa national team para sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.
Si Sofia Gonzales ng Muntinlupa ang nakakuha dalawang silver medal sa uneven bars (8.60) at beam (10.95), habang si Cristina Onofre ng Manila ang sumegunda kay LeDuc sa floor (12.60).
Ibinulsa naman ni ReÂgine Reynoso ng Pasig City ang silver sa individual all-around (44.55) at si Onofre (44.05) ang kumuha ng bronze.
Samantala nakatakdang simulan ngayong umaga ang labanan sa athletics event sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pangungunahan nina 2013 Myanmar SEA GaÂmes veterans Eric Cray at Tyler Ruiz ang mga kompetisyon sa 400m hurdles at high jump events, ayon sa pagkakasunod.
Opisyal na binuksan kahapon nina PSC chairman Richie Garcia at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ang 2014 PNG sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang sports meet na susukat sa kakayahan ng mga ‘priority athletes’ at national team members ay suportado ng Summit Natural Drinking Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo at Standard Insurance.
- Latest