^

PSN Palaro

Pacquiao ikukunsidera sa Boxing Hall of Fame

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao ikukunsidera sa Boxing Hall of Fame
Manny Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Kasama si eight-division world champion Manny Pacquiao sa listahan ng mga nominado para sa pres­tihiyosong International Boxing Hall of Fame.

Sa ulat na inilabas ng The Ring, isa ang Pinoy champion sa mga nomina­do para sa naturang para­ngalan na igagawad sa susunod na taon.

Pasok na pasok ang pa­ngalan ni Pacquiao dahil sa malaking kontribusyon nito sa mundo ng boxing.

Kasama pa ang mahabang listahan ng tagumpay nito para maging karapat-dapat na mapasama sa Hall of Fame.

Si Pacquiao lamang ang bukod-tanging boksi­ngero sa buong mundo na may world title sa walong magkakaibang dibisyon.

Nagkampeon ito sa fly­weight, super bantamweight, featherweight, su­per featherweight, lightweight, light welterweight, welterweight at light middleweight.

Ilan sa mga kilalang bok­singerong tinalo nito ay si­na Erik Morales, Marco An­tonio Barrera, Juan Ma­nuel Marquez, Oscar dela Hoya, Ricky Hatton, Anto­nio Margarito at Shane Mosley.

Nakaharap din nito sina Brandon Rios, Bradley, Chris Algieri at undefeated American fighter Floyd May­weather, Jr.

Sa kanilang laban ni May­­weather na tinawag na ‘Fight of the Century’ noong 2015 ay hindi pinalad na ma­kuha ni Pacquiao ang ina­asam na pa­­nalo.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with