Power Pinoys mabigat ang haharaping laban vs Qatar
MANILA, Philippines - Sipatin kung hanggang saan ang kalidad ng Pilipinas laban sa Qatar ang mangyayari sa tagisan ng dalawang bansa sa pagsisimula ng quarterfinals sa Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ikatlong laro dakong alas-4 ng hapon ang nasaÂbing tunggalian at tiyak na dehado ang PLDT TVolution Power Pinoys sa Al-Rayyan dahil bukod na pumangalawa ito sa Iran sa huling edisyon ay hindi pa rin natatalo ang bisitang koponan matapos ang apat na laban sa Group C.
May 1-1 karta ang Pilipinas sa Group A at sinamahan ang South Gas Club Sports ng Iraq nang ipalasap ng huli ang four-sets pagkatalo sa Altain Bars ng Mongolia na tumapos sa 0-2 baraha.
Mahirap man ang tsansang manalo ay tiyak na gagawin ng host team ang lahat ng makakaya para bigyan ng disenteng laban ang Al-Rayyan lalo pa’t hindi inaasahan ang pag-apak ng Power Pinoys sa Last eight sa kompetisyong handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation (PVF).
Bago ito ay magsusukatan muna ang Iraq at Kondensat-Zhaikmunay ng Kazakhstan sa alas-12 ng tanghali bago sundan ng labanan ng Matin Varamin ng Iran at Chinese Taipei.
Ang huling laro ay ganap na alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Beijing BAIC Motors at Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon.
- Latest