Fighting Maroons diniskaril ang Red Warriors
MANILA, Philippines — Sinalto ng University of the Philippines ang asam ng University of the East na umusad sa semifinals matapos ilista ang 77-67 panalo sa UAAP Season 87 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Kahit pasok na sa Final Four ang Fighting Maroons ay nakitaan pa rin sila ng tikas para ilista ang 11-3 karta at upuan ang second spot sa team standings.
Kinapitan ng Season 86 runner-up ang opensa ni Harold Alarcon na nagtala ng 33 points upang ilaglag ang Red Warriors sa 6-8.
Nasa pang-apat ang UE at kailangan nilang hintayin ang resulta ng laro ng Adamson University at Ateneo sa Sabado.
Kapag nanalo ang Soaring Falcons sa Blue Eagles ay magkakaroon ng playoff para sa No. 4 kontra sa Red Warriors.
Kinuha ng UE ang first period, 21-15, bago nag-init ang UP para maagaw ang 41-37 halftime lead.
Sinabayan ng Fighting Maroons ang Red Warriors sa third canto upang manatili ang 55-52 kalamangan patungo sa 74-63 matapos isalpak ni Alarcon ang dalawang free throws sa huling 33.8 segundo.
- Latest