De Luna kampeon sa Battle of the Kings 10-Ball
MANILA, Philippines - Inungusan ni Jeff “The Bull†de Luna si Jeffrey “Straight Shooter†Ignacio sa finals, 11-9, para makopo ang korona sa unang Battle of the Kings 10-ball Challenge sa King of Sports Resto Bar noong Biyernes ng gabi.
Ginamit ni De Luna ang kanyang maÂlawak na eksperyensa para talunin si Ignacio at ibulsa angP100,000 winner-take-all prize.
“Walang pumapasok sa break, always dry breaks kaya nagkadikdikan. May errors din ako, dalawang scratch,†ani De Luna.
“Hindi ko siya sinabayan sa shooting, idinaan ko sa depensa. Safety ang nagpanalo,†dagdag pa nito.
Matapos magtabla sa 16 racks, naÂagaw ni De Luna ang unahan nang maÂkagawa ng scratch si Ignacio sa pagtirada sa 6-ball sa 17th rack.
Isang magandang break ang ginawa ni De Luna para kunin ang 10-8 abante bago nakadikit sa 9-10 si Ignacio.
Naimintis ni Ignacio ang kanyang long shot sa 9-ball na sinamantala ni De Luna para tapusin ang laban.
“Na-pressure ako sa nine. Buti na lang nagkamali siya sa preparasyon sa 10. Pero nahirapan din ako dun sa 10,†ani De Luna.
Tinalo ng 30-anyos na si De Luna ang pitong top cuemasters sa one-on-one tournament na itinaguyod ng MWS and King of Sports.
- Latest