^

PSN Palaro

Chicano naisahan si Huelgas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naisahan ni John Chicano si Nikko Huelgas, habang dinomina ni 2012 London Olympian Radka Vodickova ang kanyang dibisyon sa isinagawang Tri United I kahapon sa Du­ngaree Beach sa Subic Bay.

Ginamit ni Chicano ang pagiging mas kondisyon kumpara sa laspag na si Huelgas upang maitala ang pinakamabilis na oras sa male elite sa standard distance na 2:01:14.

Mahigit dalawang mi­nuto kinapos si Huelgas (2:03:22) na kumarera sa ikatlong sunod na linggo.

Sapat naman ang lakas ng number one triathlete ng Pilipinas para itulak sa ikatlong puwesto si Augusto Benedicto (2:03:49).

Sina Huelgas at Chicano ang mga posibleng ipan­laban ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Wala namang nakasa­bay sa lady triathletes ng bansa sa husay ng Czech triathlete na si Vodickova na madaling ibinulsa ang titulo sa kababaihan sa 2:08:40 tiyempo.

Malayong pumanga­lawa si Monica Torres sa 2:15:57 habang sina Anna Stroh at Ma. Claire Adorna ang magkasalo sa ikatlong puwesto sa 2:20:44 bilis.

Sina Chicano at Vo­dickova ay ginantimpalaan ng P10,000.00 dahil sa pa­ngunguna sa karerang inorganisa ng Unilab Active Health at may ayuda pa ng Aboitiz, Subic Holiday Villas, AboitizPower, Orbea, Shimano, Crystal Clear, Maxxis, Pocari Sweat, TIMEX, Saucony at Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) Tourism Department.

vuukle comment

ANNA STROH

ASIAN GAMES

AUGUSTO BENEDICTO

CLAIRE ADORNA

CRYSTAL CLEAR

HUELGAS

JOHN CHICANO

LONDON OLYMPIAN RADKA VODICKOVA

MONICA TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with