Cordova sumagwan ng gold
NAY PYI TAW--Nabigo si rower Nestor Cordova sa hangad niyang magandang simula, ngunit bumandera naman sa dulo ng labanan para angkinin ang gold medal sa men’s single sculls sa 27th Southeast Asian Games kahapon dito sa Ngalite Dam.
Nagkampeon noong 2007 sa Thailand, muling pinagharian ni Cordova ang kanyang event matapos maglista ng oras na pitong minuto at 49.38 segundo upang sikwatin ang unang gold medal para sa national rowing team.
Sumegunda naman si Myanmar bet Ayung Ko Min, nanguna sa six-boat pack sa halos kabuuan ng karera, mula sa kanyang 7:49.68 kasunod ang 8:03.61 Indonesian pride na si Memo Memo para sa silver at bronze medal.
Mabagal ang naging simula ng 36-anyos na Bacolod native at sergeant sa Philippine Navy na nagresulta sa pag-iwan sa kanya nina Min at Memo.
Kumuha si Min ng isang two-boat-length lead patungo sa huling 200 meters.
Ngunit nakakuha na ng sapat na lakas si Cordova para agawin ang unahan kay Min.
“Hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas, eh,†sabi ni Cordova. “Basta ang alam ko lang sinasabi ng isip ko na ibigay ang lahat kahit medyo nanghihina na ang katawan ko. Mabuti na lang at nakuha ko ang ginto.â€
Bago ang 2013 SEAG ay sumabak na si Cordova, kasama ang kanyang mga teammates na sina Benjie Tolentino Jr., Alvin Amposta at Edgar Ilas, sa Asia Cup sa Hong Kong kasunod ang pagsasanay nila sa Shanghai, China.
“Malaki ang naitulong nu’n,†ani Cordova. “Dahil matindi ang ensayo namin, nakaya ng katawan ko ang gustong mangyari ng isip ko. Maganda talagang exposure ‘yun sa amin.â€
Muling sasabak ang rowing squad ngayon sa likod nina Roque Abala at Alvin Amposta na kalahok sa men’s double sculls competition.
- Latest