^

PSN Palaro

Amit hinugot sa Team Asia na sasargo sa Queen’s Cup 10-ball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napili si dating SEA Ga­mes gold medalist Rubilen Amit para mapabilang sa Team Asia sa gagana­ping Queens Cup sa Resorts World Manila mula Nobyembre 5 hanggang 7.

Si Amit ang ikalawang Asian player na ninombra sa koponan matapos italaga si Ga Young Kim ng South Korea bilang team captain. Dalawa pang manlalaro ang pipiliin para makumpleto ang koponan.

Makakalaban ng apat na pinakamahusay na lady cue artist sa Asia ang apat na mabibigat na manlalaro galing ng US at Europe.

Nauna ng itinalaga si Kelly Fisher ng United Kingdom bilang team captain ng West at makakasama na niya si Jasmin Ouschan ng Austria.

“I feel  honored to be part of the elite team represen­ting Asia. I am committing myself to doubling my efforts in practice for this event,” wika ni Amit na nanalo na rin ng ginto, pilak at  bronze medals sa World Cham­pionships na sinalihan

Ang torneong ito ay isang Ryder Cup format event na paglalabanan sa 10-ball.

Ang tagisan ay inilagay sa singles, doubles, triples at 4-on-4 at ang koponan na makakauna sa paghablot ng 10 panalo ang siyang ki­kilalaning kampeon.

Kung sakaling umabot sa 9-9 tablang iskor ang labanan, ito ay reresolbahin sa huling laro sa bisa ng isang 4-on-4 na tagisan.

GA YOUNG KIM

JASMIN OUSCHAN

KELLY FISHER

QUEENS CUP

RESORTS WORLD MANILA

RUBILEN AMIT

RYDER CUP

SI AMIT

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with