^

PSN Palaro

Garcia nagbida sa panalo vs Cardinals: Blazers dumiretso sa 3

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Lyceum vs San Sebastian (Srs.)

6 p.m.  St. Benilde vs Perpetual Help (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Pinag-init ng sophomore na si Dexter Garcia ang nanlamig na opensa ng College of St. Benilde para dugtungan sa tatlo ang pagpapanalo ng koponan sa pamamagitan ng 84-64 pananaig sa Mapua sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nilayuan ng Blazers ang Cardinals ng 16 puntos, 50-34, sa kaagahan ng ikatlong yugto, nagkumpiyansa ang host team at agad itong kinapitalisa ng katunggali.

Tinapos ng Mapua ang yugto sa pamamagitan ng 18-9 palitan para dumikit sa 59-52, bago binuksan ang huling yugto gamit ang 5-1 palitan para manakot sa 60-57.

Dito lumabas ang hu­say  ni Garcia at hindi napigilan sa opensa, pitong puntos ang kanyang inihatid sa mga sumunod na tagpo at ang kanyang tres sa 4:52 ng labanan ang nagtulak uli sa Blazers sa 73-58 kalamangan.

Ang panalo ay nagbigay sa bataan ni coach Gabby Velasco ng 3-5 baraha.

Gumawa ng career-high na 18 puntos si Garcia bukod pa sa walong rebounds at tatlong assists habang si Paolo Taha ang namuno sa Blazers sa kanyang double-double na 24 puntos at 11 boards bukod pa sa tig-tatlong steals at rebounds.

May panuporta pang 16 puntos ang hatid pa ni Mark Romero.

“Early loses helped us to be tougher,” wika ni Blazers coach Velasco na nakabangon na mula sa 0-5 start.

Bumaba naman sa ikaanim na sunod na pagkatalo ang Cardinals at nasayang ang magandang panimula nang bumigay sila sa ikalawang canto.

Nakasabay sila sa Bla­zers sa first period nang saluhan nila ang Blazers sa tig-16 puntos pero 12 lamang ang ginawa ng Mapua sa sumunod na period habang ang depensa ay nagbigay ng 24 puntos para  lumamang ng 12 ang katunggali, 40-28.

Sina Carlos Isit at Andrew Estrella ay gumawa ng 15 at 10 puntos pero ang mga kamador ng Cardinals na sina Joseph Eriobu at Kenneth Ighalo ay nalimitahan sa siyam at limang puntos lamang. (AT)

St. Benilde 84 – Taha 24, Garcia 18, Romero 16, Ongteco 6, Saavedra 5, Sinco 5, Bartolo 4, Argamino 3, Grey 3, Deles 0

Mapua 64 – Isit 15, Estrella 10, Eriobu 9, Brana 9, Magsigay 6, Ighalo 5, Biteng 4, Saitanan 4, Gonzales 2

Quarterscores: 16-16, 40-28, 59-52, 84-64

ANDREW ESTRELLA

COLLEGE OF ST. BENILDE

DEXTER GARCIA

GABBY VELASCO

GARCIA

MAPUA

PUNTOS

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with