^

PSN Palaro

Bella, Angel may chemistry agad sa Alas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  May chemistry agad sina Bella Belen at Angel Canino na bahagi ng Alas Pilipinas pool.

Masaya ang dalawa na magkasama na ito sa Alas Pilipinas mula sa kanilang pagiging mortal na magkaribal sa UAAP women’s volleyball wars.

Aminado si Belen na marami pa silang ibubuga sa mga susunod na laban ng Alas Pilipinas lalo pa’t unti-unti nang nabubuo ang solidong samahan ng tropa.

“Happy kasi nakasama ko si Angel sa national team. Siyempre, kalaban ko siya ng UAAP, nga­yon magka-teammate na kami,” ani Belen na r­eigning UAAP MVP.

Parehong UAAP Rookie-MVP sina Belen at Canino. Kaya naman walang duda na malaki ang maitutulong ng dalawa sa Alas Pilipinas.

“I think magiging ma­ganda yung connection namin pag nag-training pa nang matagal. I think kaya namin i-bring out yung best sa aming dalawa,” ani Belen.

Kung si Canino ang tatanungin, mas nanaisin nitong maging teammate si Belen sa halip na makalaban sa isang torneo.

“Actually, natutuwa kasi sabi ko nga sa kanila na mas pipiliin ko pang maging teammate si Bella kaysa kalaban so sa tagal ko din pong gustong maka-teammate ulit si ate Bella, I’m very happy na naging teammate ko siya right now,” ani Canino.

vuukle comment

BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with