Bryant, Jordan darating sa Manila
MANILA, Philippines - Bukod kay LeBron JaÂmes, darating din sa bansa si Kobe Bryant sa Agosto at ito ay dahil sa Lenovo Mobile Philippines.
Si Bryant na manlalaro ng Los Angeles Lakers at makailang beses na ring bumisita sa Pilipinas ay nakakalendaryong bumalik sa Agosto 12.
Ang 34-anyos na 6’6 guard ay bagong endorser ng Lenovo Mobile.
“Kobe Bryant is coming back to Manila! Mark this date, August 12, 2013,†wika ng nakapost sa Facebook account ng Lenovo.
Kasama sa napa-post ang litrato ni Bryan at ang katagang “Walang Iwanan.â€
Si Bryant na pinangunaÂhan ang NBA stars na nagsagawa ng dalawang exhibition games noong 2011, ang ikatlong NBA superstar na bibisita sa Pilipinas.
Ang una ay si Lebron James na nasa bansa sa Hulyo 23 dahil sa Nike PhiÂlippines habang si Derrick Rose ay tutungo sa Pilipinas mula Setyembre 14 hanggang 16 para sa D Rose Tour na handog naman ng Adidas.
May balitang si dating NBA star Michael Jordan ay binabalak ding dumating sa bansa sa pamamagitan ng ineendorsong Gatorade ngunit wala pang konkretong pahayag tungkol dito.
Bukod sa mga NBA stars, gagawin din sa Mall of Asia Arena ang kauna-unaÂhang NBA Pre-Season Game sa pagitan ng Houston Rockets at Indiana PaÂcers sa Oktubre at inaasahang ang mga bagay na ito ay lalo pang maglalapit sa mga Pinoy sa NBA.
- Latest