^

PSN Palaro

POC sa PNSA: Ayusin ang voter’s list

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakikilos ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pamunuan ng Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) para ayusin ang rekla­mong idinulog sa kanila ng makailang-ulit na national champion at PNSA board member Nathaniel “Tac” Padilla.

“There is a basis of concern,” wika ni POC 1st Vice President Joey Romasanta sa liham na ipinadala ni Padilla na naglalagay sa alanganin sa magaganap na PNSA eleksyon sa Sa­bado.

“Isa sa nakita ko ay magkaiba ang voters list noong nag-eleksyon sila at ngayong mag-e-election sila. Isa pa ay ang ‘di pagpirma ng PNSA president o sec-gen sa talaan ng mga voters,” pahayag pa ni Romasanta.

Ang itinalagang Come­lec chairman na si Ronald Robles ang siyang pumirma sa talaan ng botante na kinukuwestiyon ni Padilla dahil ito ay dapat ginagawa ng pangulong si Mikee Romero o ang secretary-ge­neral na si Col. Danilo Gamboa.

Hindi naman payag ang POC na sila ang mag-ayos ng problemang ito dahil may awtonomiya ang mga NSAs kaya sinulatan na lamang nila sina Romero at Gamboa para harapin ito.

Naunang lumiham si Padilla sa POC at ipinatitigil ang eleksyon dahil sa mga aksyon ni Robles.

Sa liham ng POC, ipinaalala nila sa PNSA ang alituntunin patungkol sa pagsasagawa ng eleksyon na dapat ay alinsunod sa kanilang Constitution and By Law.

Umaasa ang POC na magkakaroon ng linaw ang problemang ito bago dumating ang Sabado dahil kung hindi ay wala silang ipadadalang observer sa halalan.

Si POC 2nd VP Jeff Tamayo na ang itinalaga bilang observer sa halalan pero babawiin ito ng POC kung hindi maaayos ang gusot.

vuukle comment

CONSTITUTION AND BY LAW

DANILO GAMBOA

ISA

JEFF TAMAYO

MIKEE ROMERO

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL SHOO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

POC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with