Tama na Pacman, Please!
Ang sigaw ng bayan--tama na Manny. Please!
Tama na yan.
Pacman, huwag mo nang hintayin na may mas grabe pang mangyari sa yo.
Papalakpakan ka ng sambayanan kung ihihinto mo na. Hindi naman ibig sabihin na kapag huminto ka ay takot ka nang lumaban.
Sa mundong ito, the wisest move we can make is to stop when it’s time to sty.
***
Sabi ni Mommy Dionisia sa interview sa kanya ng progrmang Kay Gandang Umaga, “Ang boxing, isang sugal. Tama na anak ko...”
Ngayon mo lang ba nalaman Mommy D?
***
Mensahe ni Mommy D sa mga promoter ng anak niya. “Tumigil na kayo, hindi aso ang anak ko. Tao yan, Hindi yan manok na ipansasabong nyo...”
Ano ka ba naman. Mommy D. noon pa namang ganyan ang turing nila sa anak mo.
***
Sumisigaw si Arum na lalaban pa si Manny, na hindi pa niya katapusan, na hindi pa tapos ang laban ni Pacman. Siya na lang yata ang nagsasabi niyan.
Eh siyempre. Paano na ang milyones na kikitain niya kapag huminto na si Pacman sa boxing.
Susmaryosep na tao yan...
***
Sana pakinggan ni Pacquiao ang munti kong liham.
Dear Pacman,
Araw-araw, Bible a ng hawak mo, araw-araw, bibliya ang binabasa mo. Sinasabi sa bible na ‘wag tayong mag-ambisyon ng too much riches, nang too much material things in the world.
Alam mo yan. Alam mo din na sa dami ng pera mo, sa milyung-milyong pera na napanalunan mo na, pati apo ng mga anak mo, hindi na maghihirap. Ikaw mismo, Manny, hanggang sa tumanda ka at maging uugod-ugod ka na, hinding-hindi ka na makakaranas ng kahirapan sa dami ng pera mo. Naging napakabait sa yo ng boxing.
Iniahon ka sa hirap, inilagay ka sa pedestal, binigyan mo ng karangalan ang Pilipinas, at nabigyan mo na rin ng sobra-sobrang kaligayahan ang milyung-milyong mga Pilipino nung nananalo ka. Habang ang mga ordinaryong tagahanga mong Pilipino ay nagtata-trabaho ng sampung oras para kumita ng minimum na P400, ikaw Pacman, ilang minuto lang sa boxing, bilyong piso na iuuwi mo sa kaban ng kayamanan mo. Huwag mo nang hintayin pa ang isang suntok na magpapabagsak sa yo, yung suntok na hindi ka na makakabangon, at tuluyan mo nang hindi mai-enjoy ang masarap na buhay mo. Tutoo yung sinabi mo na lucky punch ang nagpabagsak sa yo. Huwag mo nang hintayin ang fatal punch.”
- Latest