Lindol
Ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental noong Biyernes ay kumitil ng tatlong buhay at nagdulot ng pinsala sa mga properties.
Nagkaroon ng tsunami warning sa coastal areas ng Davao Oriental bunsod ng lindol.
Masasabi na magkasinglakas ang lindol na tumama sa Cebu noong nakaraang linggo na 6.9 magnitude. Ang mga pasyente ay pinalabas ng ospital sa takot na mabagsakan ng debris.
Hindi maipinta ang takot ng mga estudyante at maging ng mga pasyente na kinakailangan na silang ilikas sa mas ligtas na lugar sa kasagsagan ng lindol noong Biyenes.
Ngunit sa harap ng lindol at kung ano mang sakuna ang kaharap natin, kailangang nating alalahanin na may mas malakas pa sa sakuna. Ang kailangan natin ay maging handa at taimtim na magdasal.
- Latest




















