^

PSN Opinyon

Munggo masustansya, hindi bawal sa arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Masustansya, masarap, at mura ang munggo.

Mali ang paniniwala na masama ito sa arthritis. Sa katunayan, maraming itong benepisyo sa puso, utak at katawan.

Ilang sa mga benepisyo ng munggo ay:

1. Bagay ang munggo sa lahat ng tao dahil napa­kara­ming bitamina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vita­min B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Try­­to­­phan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Fo­late o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, man­ganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.

2. Bagay ang munggo sa lumalaking bata dahil sa kum­pleto sa bitamina at mineral.

3. Merong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa kanser at Alzheimers’ disease.

4. Ang laman na purine ng munggo ay katamtaman­ (moderate) lamang kaya pwede kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid ay hinay-hinay lang ang pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay ‘yung ma­taas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o ‘yung nasa bopis.

5. Mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estro­gen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syn­drome, hot flushes at insomnia.

6. May taglay na calcium at phosphorus para sa buto.

7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.

8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya pwedeng kainin ng may diabetes.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Isama din ang munggo sa mga talbos ng ampalaya o bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach, alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong. Siguradong malusog at malakas kayo.

MUNGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with