^

PSN Opinyon

Kumpanyang Rolls-Royce pinahiya ng maharajah

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Kumpanyang Rolls-Royce pinahiya ng maharajah

Nagandahan si Sarah Discaya sa payong na nakasuksok sa pintuan ng Rolls-Royce. Kaya, agad niyang binili ang limousine: P42 milyon cash. Pang-mayaman lang ‘yon sa London kung saan dati siyang nurse.

Walang kurap niyang inamin ‘yan sa Senado nu’ng inim­bistigahan ang karangyaan niya. Bilyon-bilyong piso ang kinamal sa palpak pero mamahaling flood control projects. Bumili ng maraming luxury cars. Karamihan “his and hers”, tig-isa sila ng asawang si Curlee Discaya.

Taon 1920 pumasyal sa London si Maharajah Jai Singh Prabhakar. Pinaka-mayaman siya sa Alwar, isang state sa Rajasthan region. Ordinaryong damit lang ang suot nu’ng pumunta sa Rolls-Royce showroom. Hindi siya pinansin ng English sales staff.

Galit siyang umalis. Nagbihis ng marangyang damit at bumalik sa showroom. Red carpet treatment ang ibinigay ng sales staff. Binili niya lahat ng anim na naka-display na limo. Umorder ng apat pa.

Pagdating sa New Delhi, pinagamit niya ang sampung Rolls-Royce para panghakot ng basura. Ganun siya kayabang gumanti sa insulto. Magarbo siya sa sarili. Bago ang damit at turban kada okasyon. Umorder ng espesyal na tren para dalhin ang kabayo niya sa siyudad, kung saan itinira niya ito sa 5-star hotel.

Napahiya ang Rolls-Royce. Humingi ng tawad. Nagbigay ng anim pang limo na libre. Takot ang kumpanya na masira ang pangalang Rolls-Royce at bumagsak ang benta.

Pinatawad ni Maharajah Jai Singh ang Rolls-Royce at tinanggap ang anim na regalo. Malinaw ang mensahe niya: Huwag maliitin ng kolonyalistang Britain ang mga taga-India.

Sa Pilipinas isinubasta ng Customs ang Rolls-Royce ni Discaya. Halagang P29 milyon lang. Gamit na gamit na kasi ang payong.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SARAH DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with