^

PSN Opinyon

Para-paraan lang iyan!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

MULA nang ipatupad ang No Contact Apprehension Program (NCAP), kaugnay ng dalawang taong rehabilitasyon ng EDSA, parang “magic” na naayos ang trapiko. Wala na ang mga nagsasalimbayang sasakyan at ang mga motorsiklo ay maayos na lumalagi sa mga linyang nakatalaga para sa mga ito.

Hindi pala kailangan ang martial law para disiplinahin ang tao. CCTV lang pala ang solusyon. Ang mga sasak­yang mahahagip ng kamera na gumagamit ng artificial intelligence ay pagmumultahin ang mga driver o owner ng sasakyan.

Wala nang pulis o enforcers na puwedeng suhulan at magmumulta ang mga violators nang malaki. Kaya hayan, maayos ang pagmamaneho ng mga motorista. Ngunit talagang hindi maawat ang utak ng mga Pilipino sa pag-iisip ng paraan para makaiwas sa apprehension at multa.

Ang ginagawa ngayon ng iba ay takpan ang kanilang plaka upang hindi matukoy ng kamera ang may-ari ng behi­­kulo. Pero wait. Wala pa ring lusot ang mga gumagawa niyan. Nagbabala ang Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) na ang mga mahuhuling nagtatakip ng plaka ay magmumulta ng P5,000.

Nagtalaga na ang MMDA ng enforcers para harangin ang mga sasakyang hindi readable ang plaka at ang mga matitiklo ay magmumulta nang malaki. Magbago na sana tayo ng ugali para naman makatikim ng pag-asenso ang ating bansa.

Sabi nga ng martial law advertisement ni Marcos Sr. noong dekada 70 “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Tama. Ngunit disiplinang mula sa puso at hindi dahil sa takot.

CCTV

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with