^

PSN Opinyon

‘Nine-dash line’ ng China wala sa mapa ni Mao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Maski si Mao Zedong walang alam na “nine-dash line”. Chairman siya ng China Communist Party nu’ng 1943-1976. Tinagurian siyang “dakila, marilag, wastong tagaugit”. Dini­diyos siya hanggang ngayon.

Nu’ng 1956 naglahad si Mao ng Five-Year Plan: important industrial projects map. Dinetalye ang mga balak niyang industriya: sakahan, minahan, riles, barko, bakal, kemikal, komunikasyon, enerhiya, miltar. Inaprubahan ‘yon ng CCP National Congress, Central Committee, at Polit­buro.

Wala sa mapa ng mainland at dagat ang “nine-” o “ten-” o “11-dash line”.

Sinusundan ni Xi Jinping ang yapak ni Mao. Ginaya niya si Mao na chairman ang posisyon sa CCP, imbis na general secretary lang tulad ng iba. Ipinasingit niya sa Konstitusyon ng China ang pangalan niya kasunod ng kay Mao. Ipinadeklarang presidente siya ng bansa habambuhay tulad ni Mao. Artista ang asawa ni Xi, tulad ni Mao.

Nagdusa ang China sa ilalim ni Mao. Apatnapu’t limang milyon ang namatay sa gutom nu’ng Great Socialist Leap Forward, 1958-1962. Dalawang milyon ang pinatay nu’ng Great Proletarian Cultural Revolution, 1966-1976.

Nagdurusa ngayon ang China sa ilalim ni Xi. Sobrang tagal ng pandemic lockdowns niya. Sinakal niya ang mga negosyo, pati home tutoring ng mga bata. Pinagkaitan niya ng benepisyo ang mga migranteng manggagawa mula kanayunan. Nanlupaypay tuloy ang ekonomiya at exports ng China.

May hangganan ang lahat. Tulad ni Mao, tatanda at mamamatay din si Xi. Babaliktarin din ng China ang mga patakaran niya. Ang alaala niya’y itatapon sa burak ng kasaysayan.

Mapang nilahad ni Mao, 1956  Photo mula China National Museum

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MAO ZEDONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with