2 colonels sa PRO12, sinibak ni Marbil!
SINIBAK ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang dalawang opisyal ng PRO12 matapos ang kontrobersiya na pinatungan ng isang police colonel ang policewoman recruit sa loob ng firing range ng headquarters. Ang insidente ay nagdulot nang malaking kahihiyan, hindi lang sa PNP, kundi sa hanay ng mga Lakan.
Effective October 6, iniutos ni Marbil na sina Col. Cydric Earl Tamayo at Col. Joefel Siason ay tigbak na sa kanilang mga puwesto. Si Tamayo ang Chief Regional Staff ng PRO12 samantalang si Siason ang R2 o intelligence chief. Sila ay inilipat sa Police Holding and Accounting Unit ng DPRM sa Camp Crame. Ang ibig sabihin “floating status” sila. Araguyyy! Beeehhh buti nga!
Sa order na pinirmahan ni Maj. Gen. Sidney Hernia, ang director ng DPRM at incoming chief ng NCRPO, hindi naman inilagay kung ano ang kaso nina Tamayo at Siason. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Mas madali na para kay Maj. Gen. Westrimundo “Patrick” Obinque, ang hepe ng PNP Directorate for Intelligence na kunan ng statements itong sina Tamayo at Siason patungkol sa kaso ng policewoman recruit. Nauna kasi, inutusan ni Obinque sina PRO12 director Brig. Gen. James Gulmatico at Siason na magsumite ng report sa kaso na iba-validate naman ng Intelligence Group dahil tiyak “self-serving” ito. Tsk tsk tsk!
Halungkatin dapat ni Obinque ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga police officials sa PRO12 tiyak marami siyang ebidensiya na makakalkal. Puro matitigas at lumaki ang mga ulo ng mga opisyal ng PNP sa naturang region dahil nakasandal sila kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. ang presidente ng Partido Federal. Tsk tsk tsk! Dapat kalusin ni Tamayo ang mga police official na ginigisa ang pangalan niya sa kasamaan. Ano pa nga ba? Ambot sa kanding nga may bangs!
Para sa kaalaman ni Marbil, maraming biktima na magagandang recruit o policewoman ang grupo ng mga manyakis sa PRO12 at, ayon sa mga kosa ko, kapag pumalag ay pinag-iinitan at tinatapon sa kung saan-saan. Ang magandang halimbawa, ay ang biktima ni police colonel na itinapon sa North Cotabato kung saan siya ay hindi pinapayagang lumabas ng kampo. Dipugaaaaa! Mas masahol pa sa preso?
Nais kasing magreklamo ng biktima sa Ombudsman o sa WCPC subalit tinatakot siya ng mga opisyales ng PRO12. Get’s n’yo mga kosa? Dapat hagilapin ni Obinque ang biktima para kunan ng statement para sa gayon ay hindi lang administrative ang ikakaso sa police colonel, kundi may criminal pa.
Madali lang naman siyang hanapin Gen. Obinque Sir dahil ang serial number n’ya ay: 371967. Swak ka sa banga sa ngayon manyakis na police colonel ka. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!
Inaakusahan ng mga pulis sa PRO12 ang tatlong miyembro ng PNPA Class ’97 na naghari-harian sa kanilang lugar. Sanamagan! Pasok din sa kanila ang talamak na cigarette smuggling. Dipugaaaaa! Hindi pinapansin ni Gulmatico ang kautusan ni Marbil na wakasan ang cigarette smuggling sa Pinas? Abangan!
- Latest