^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May plano ba ang govt sa OFWs sa Lebanon?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May plano ba ang govt sa OFWs sa Lebanon?

Patuloy ang labanan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon. Kahapon, nagsagawa na naman ng air strike ang Israel sa pinagkukutaan ng Hezbollah sa Southern Lebanon at ayon sa report isa na namang mataas na lider ng armed group ang napatay. Wala pa namang kumpirmasyon ang Hezbollah ukol dito. Noong nakaraang buwan, isang mataas na lider ng Hezbollah ang napatay sa Iran. Noong nakaraang linggo, nagpakawala ng daan-daang missile rocket ang Iran sa Israel bilang pakikisimpatya sa grupong Hamas sa Gaza at sa Hezbollah sa Lebanon. Isang Israeli soldier ang napatay sa missile attack. Nagbanta ang Israel na gaganti sa Iran.

Eksaktong isang taon na ang kaguluhan sa pagitan­ ng Israel at Hamas. Sinalakay ng Hamas ang mga Israeli­ habang nagkakasayahan sa isang lugar ma­lapit sa Gaza. Maraming Israeli nationals ang napatay habang marami rin ang binihag. Hanggang nga­yon, nananatiling hawak ng Hamas ang mga bihag. Subalit determinado ang Israel na pagbayarin ang Hamas sa ginawang pagsalakay. Halos mapulbos na ang mga gusali sa Gaza dahil sa pambobomba ng Israel. Marami na ang namamatay pero sabi ng Israel, hindi sila titigil hangga’t hindi napapatay ang mga matataas na lider ng Hamas.

Habang gumaganti ang Israel sa Hamas, nakisali na rin ang Hezbollah sa giyera. Dalawang grupo ang kalaban ng Israel sa kasalukuyan at kung magpapa­tuloy ang pagwasak nila sa mga pinagkukutaan ng Hezbollah sa Lebanon, posibleng sumali na ang Iran.

Ang Lebanon ngayon ang nagmimistulang war zone sapagkat narito ang headquarters ng Hezbollah. Nagsasagawa ng ground operations ang Israel para mapasok ang kuta ng Hezbollah. Hindi umano titigil ang Israel sa paglusob sa Hezbollah gaya ng ginagawa nila sa Hamas sa Gaza.

Maraming foreign nationals sa Lebanon na kinabi­bilangan ng Americans, Australians, Chinese, Brazilian­, Canadians, French, Germans, Italians, Japanese, Dutch, Portuguese, South Koreans, British, Spaniards, Slovaks, Russians, Pilipinos at marami pa.

Naghahanda at may plano na para sa paglilikas sa mga foreign nationals doon maliban na lamang na yata sa Pilipinas. Maraming OFWs sa Lebanon na tinata­yang nasa 11,000 na karamihan ay nagtatrabahong domestic helpers. Sa isang news forum sa Quezon City noong isang araw, walang balak ang gobyerno na itaas ang alert status sa Lebanon.

Hihintayin pa bang may mga OFWs na madamay bago magsagawa ng repatriation? Kawawa naman ang OFWs sapagkat may mga report, na inaabandona ng employer ang kanilang domestic staff dahil tumatakas sila palabas ng Lebanon.

LEBANON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with