^

PSN Opinyon

7 Wonders of the World anu-ano nga ba talaga

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pinalista ng guro sa klase kung anu-ano sa palagay nila ang Seven Wonders of the World. Sabik na sabik lahat sa kanilang sinulat. Marami silang naisip.

Ang pangunahing pito ay Great Pyramids sa Egypt, Taj Mahal, Grand Canyon, Panama Canal, Empire State Building, St. Peter’s Basilica, at Great Wall ng China.

Habang tinatala ng guro ang mga boto, napansin niya ang isang bata na abalang nagsusulat pa rin. Tinanong niya ito kung hindi pa siya tapos sa paglilista.

“Iniisip ko pa po ng mabuti,” sagot ng bata.

“Basahin mo kaya ng malakas, at baka matulungan ka namin,” anang guro sa kaniya.

Sinabi ng bata kung anu-ano ang para sa kaniya’y pitong pinaka-kabigha-bighani sa mundo. Ito ang nilista niya:

(1) Makahaplos,

(2) Makalasap,

(3) Makakita,

(4) Makarinig,

(5) Makadama,

(6) Makatawa,

(7) Magmahal,

Namangha ang guro. Tumahimik ang klase. Napaisip lahat sa nilista ng bata.

Ang mga hindi natin napapansin na pinaka-simple, pinaka-ordinaryong mga bagay ay ang pinaka-mahiwaga pala.

Makahaplos, makalasap, makakita, makarinig, maka­dama­, makatawa, at magmahal. Ang sarap! (Halaw sa online)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

7 WONDERS OF THE WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with