^

PSN Opinyon

'Pinas at Switzerland, ang tambalang lalong tumitibay

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
'Pinas at Switzerland, ang tambalang lalong tumitibay
Isang masayang shoutout kina Switzerland Tourism Southeast Asia Marketing & Communication Manager Nazrul Hakim Jumahat, Peter Niederberger ng Mount Titlis, at sa iba pang tour guides na isinasapuso ang sustainability program ng turismo sa Switzerland!

Isang bakasyong walang-katulad ang pinuntahan ng aming pamilya sa Switzerland kamakailan!

Hindi malilimutan at talagang magical ang aming nakita at naranasan sa Switzerland – mula sa mga nagyeyelong tuktok ng Alps (kung saan mistulang “alps-hopping” ang aming ginawa), hanggang sa mga kalsada ng Zermatt kung saan bawal ang mga sasakyan, lalo na yung mga gumagamit ng gasolina. 

Pambihirang karanasan ang mapadpad sa Switzerland, dahil bukod sa ramdam na ramdam ang eco-consciousness o pangangalaga sa kapaligiran, marami rin ang pwedeng gawin! Todong adventure man o kalmadong relaxation ang hanap mo, hindi ka mauubusan ng pagpipilian.  Kaya para sa mga anak naming teenager, panalo ang destinasyong ito! Nakakabilib ang pagtutok ng Switzerland sa sustainability na makikita saan ka man magpunta. 

Kahit sino ay makakainom ng napakalinis na tubig sa kanilang public water fountains. Ang mga nasakyan naming tren, renewable energy ang nagpapatakbo, at ang aming mga tinuluyan ay hindi rin nagpatalo sa pagpapakita ng kanilang eco-consciousness. Sa Zermatt, bawal na ang mga sasakyan, bilang bahagi ng mga hakbang ng kanilang lugar para mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.

“Snow much fun” ang bakasyon ng aking pamilya sa Switzerland!

Walang hassle ang paglilibot sa bansang ito dahil sa Swiss Travel Pass. Dahil dito, pwede kang mag-“unli sakay” sa public transportation tulad ng tren, bus, at ferry, gaya ng ginawa namin.  Dahil marami kaming gustong puntahan sa Switzerland, naging malaking tulong sa amin ang Swiss Travel Pass kaya’t naging napakadaling bumiyahe at makarating sa aming destinasyon.

Marami pa tayong kwento tungkol sa ating pagala sa Switzerland. Kaya abangan ang mga kasunod na kolum at episode sa ating social media channels, ABS-CBN TFC at JeepneyTV.

Mga Pinoy na turista, dinadagsa ang Switzerland

Sa pagbalik namin mula Switzerland, isa sa mga tumatak sa akin ang tila mas lumalalim na samahan ng dalawang bansa.

Kamakailan ay nalaman ko ring patuloy pala ang pag-angat ng ating bansa pagdating sa bilang ng mga dumadating na turistang Pinoy sa Switzerland. Alam ninyo bang tayo na ang isa sa mga pinakamabilis na lumalaking market para sa Swiss tourism?

Sa nagdaang Swiss National Day celebration sa Taguig, nakilala ng mga miyembro ng media ang mga kinatawan ng Swiss Tourism team at iba pang mga nagtataguyod ng nasabing industriya.  Kasama rito si Batiste Pilet, ang Switzerland Tourism Southeast Asia Director. 

Ang aking team kasama sina Southeast Asia Switzerland Tourism Director Batiste Pilet (left photo), Phil. Market Representative Sofia Antelices (right photo, in red), at Swiss Chamber of Commerce and Industry Project Officer Chistine Gueco (right photo, in black).
Ang Swiss Tourism team kasama ang mga miyembro ng media.

Ayon kay Pilet, noong mga nakaraang taon ay napansin nilang may mga buwan na mababa ang occupancy rate ng mga hotel sa Switzerland.  Dito nila sinimulang mas tutukan ang market ng Southeast Asia.

“Isa sa mga tinutukan namin ay ang Pilipinas, dahil nakita namin ang potensyal nitong lumaki at nakita naming talagang napupunan nito ang mga pagkakataong mababa ang occupancy,” sabi ng Swiss tourism director.

Dagdag pa niya, tuwing off-season, mas dumarami ang mga Pinoy na turista, kung saan mula 2019 hanggang 2023 ay 74% ang itinaas ng numerong ito. Bagamat maliit pa mang maituturing ang market ng mga turista mula sa Pilipinas, sabi niya’y isa na ito sa mga pinakamabilis na tumataas sa buong mundo. 

Dahil kay Pilet at sa kanyang mga kasamahan sa Swiss Tourism na tulad nina Philippine Market Representative Sofia Santelices at Nazrul Hakim Jumahat, Marketing & Communication Manager, naipararating sa mga Pilipino ang natatanging mga karanasang puwede nilang ma-enjoy sa kanilang pamamasyal sa Switzerland.  Kaya naman na-eengganyo silang dayuhin ito.

(Left photo) Ang aking asawa, si Nonong, kasama ang United Nations Resident Coordinator in the Phil. Gustavo Gonzales. (Right photo) Sina Zuellig Pharma Corp. Govt. Affairs Head Mike Alzona, Nestle Govt. and Industry Affairs Head Denya Gracia Iy-Anastacio, Embassy of Switzerland Economic & Trade Advisory Head and SwissCham PH Dir. of Operations Kent Marjur Prijmor.

Mas tumitibay na ugnayan ng ‘Pinas at Switzerland 

Habang mas dumarami ang mga turistang Pinoy doon, mas lumalalim din ang relasyon sa pagitan ng ating bansa at ng Switzerland. Bukod sa turismo, patuloy ring yumayabong ang iba pang diplomatic ties na nag-uugnay sa atin at sa Switzerland. Ayon sa aking malapit na kaibigang si Kent Marjun Primor, ang Head of Economic & Trade Advisory sa Embahada ng Switzerland, nagiging mas aktibo pa ang kalakalan ng mga nasabing bansa.

“Dahil sa mga free trade agreement (FTA) tulad ng mayroon tayo sa PH-EFTA (European Free Trade Association), ang economic ties ng Pilipinas at Switzerland ay patuloy na tumitibay. Noong 2023, umakyat ng 1.8% ang trade at nasa USD 933 milyon na, mula sa mga mas maraming produktong Pinoy na nakikinabang sa zero tariffs,” ibinahagi niya sa atin.

Hindi rin biro ang kontribusyon ng Switzerland sa sektor ng edukasyon at sa sustainability initiatives. Isa sa mga pangunahing tinututukan ng Swiss Chamber of Commerce o SwissCham ang vocational at technical education sa bansa, partikular na sa apprenticeship at skills recognition. Ayon kay Kent, isinusulong nilang kahit sino ay may kakayahan dapat na magtagumpay. 

Ang mga kaibigan nating Swiss ay isa rin sa mga todo-suporta sa galing ng Pinoy, mula sa mga inisyatibong tulad ng Swiss Innovation Prize Competition na ginaganap taon-taon. Kuwento ni Kent, “Dito ay nabibigyan natin ng mga oportunidad at suporta ang mga kabataang Pilipino na innovators, saan man sila sa Pilipinas.” 

Ibinahagi rin sa atin ni Swiss Ambassador to the Philippines Dr. Nicolas Brühl ang patuloy na itinutulong ng Switzerland para sa usapin ng kapayapaan sa ating bansa, tulad ng pakikiisa nila sa peace efforts sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. 

Sa kanyang talumpati, ginunita ni Dr. Brühl ang “mga kontribusyon ng Switzerland sa peace process sa Bangsamoro, at kung paano nito pinapatunayan ang kanilang commitment sa kapayapaan.” 

Ang ating team kasama sina Swiss Ambassador Nicolas Brühl, at ang kanyang asawa, at si Swiss Deputy Head of Mission, Thimon Fürst.

Nagkakaisang pangarap para sa kinabukasan

Higit pa sa turismo, ramdam din ang suporta sa atin ng Switzerland sa larangan ng trade at investments, diplomasya, peacebuilding, at international law.

Sa isang political consultation noong nakaraang taon, naging kasangga natin ang Switzerland sa paninindigan sa kahalagahan ng international law, partikular na sa usapin ng South China Sea, kung saan sila rin ay boluntaryong naging advocate para sa mapayapang dayalogo at pagsunod sa UN Convention on the Law of the Sea at ang 2016 Arbitral Tribunal ruling.

Mahusay na inilarawan ni Ambassador Brühl ang relasyon ng dalawang bansa sa kanyang talumpati nang sabihin niyang, “marami man ang pagkakaiba ng dalawang bansa natin, sa heograpiya, sa kultura, at kasaysayan, pinagbubuklod tayo ng nagkakaisang pangarap para sa kapayapaan, kaunlaran, at pagsulong.” 

: Kasama ang ating media friends Bea Bernardo ng NHK, Tristan Nodalo ng News Watch PH, JP Soriano ng GMA News, at Joyce Rocamora ng PNA.

Habang patuloy ang pagdami ng mga Pinoy na nadidiskubre ang ganda ng Switzerland, lumalalim din at mas tumitibay ang ating ugnayan sa mga larangan ng diplomasya, ekonomik, at kultural.

Tulad nina Ambassador Dr. Brühl, Pilet, at Kent, hinihikayat natin ang bawat isa na patuloy na suportahan ang paglalim ng relasyong ito, nang sabay-sabay tayong matuto at magsikap para sa isang mas matibay na kinabukasan.
 

------ 
I-follow ang aking social media accounts JingCastaneda InstagramFacebookYouTubeTiktok and Twitter. Ipadala ang inyong mga kuwento at suhestiyon sa [email protected].

SWITZERLAND

TOURISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with