^

PSN Opinyon

Lalaki sa U.S., natuklasan na electric bill ng kanyang kapitbahay ang binabayaran niya sa loob ng 18 taon!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG lalaki sa Vacaville, California ang hindi makapaniwala nang matuklasan nito na 18 taon na niyang binabayaran ang kuryente ng kanyang kapitbahay!

Nagsimulang may mapansin si Ken Wilson na may mali sa kanyang kuntador nang biglang tumaas ang kanyang electric bill samantalang nag-iisa lamang siya mamuhay sa kanyang apartment.

Sa una ay hindi niya kinuwestiyon ang sinisingil sa kanya ng electric company dahil naisip niya na baka tumaas talaga ang konsumo niya sa kuryente dahil summer season sa U.S.

Upang hindi na tumaas sa susunod na buwan ang kanyang bill, sinubukan ni Wilson na gumawa ng mga paraan upang makatipid sa kuryente. Isa na rito ay ang pagpatay sa mga breaker sa tuwing aalis siya ng bahay at ang tanging gumagana na appliance lamang habang siya ay nasa labas ay ang refrigerator.

Bumili pa siya ng isang gadget na sumusukat sa watt usage niya sa bawat appliances upang mabilang at makontrol niya ang kanyang konsumo. Dahil sa kanyang pagtitipid, umasa si Wilson na magiging mababa na ang kanyang electric bill.

Ngunit nang sumunod na buwan ay nagulat siya na malaki pa rin ang sinisingil sa kanya ng electric company. Doon na nagsimulang maghinala si Wilson na may nagnanakaw sa kanya ng kuryente o may sira ang kuntador ng kanyang apartment.

Bago magreklamo sa electric company, nag-inspek­siyon si Wilson sa pamamagitan ng pansamantalang pag­patay sa kuryente ng kanyang apartment. Matapos patayin ang lahat ng breaker, pinuntahan niya ang lugar sa kanilang apartment complex kung nasaan ang mga kuntador.

Nang tiningnan niya ang kuntador na naka-assign sa kanyang unit, nakita niya na gumagalaw pa rin ito. Tinawagan ni Wilson ang kanilang electric provider na PG&E para magreklamo. Agad naman siyang pinuntahan ng mga tauhan nito para tingnan ang kanyang kuntador. Matapos itong inspeksyunin nakumpirma ng electrician na nagkapalit sila ng kuntador ng kanyang kapitbahay kaya siya ang nagbabayad sa bill nito samantalang ang kapitbahay naman niya ang nagbabayad sa kanyang bill.

Dahil 2006 pa naninirahan sa kanyang apartment si Wilson, may hinala siya na 18 years na siyang nagbabayad para sa electric consumption ng ibang pamilya.

Matapos mabalita sa mga news programs sa buong North America ang nangyari kay Wilson, naglabas na ng apology ang electric company na PG&E at nangako sila na ire-refund nila ang lahat ng mga sumobrang ibinayad nito.

ELECTRIC BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with