^

PSN Opinyon

Musika bakit kaya inimbento ng tao?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PENTATONIC ang musika ng mga Asyano. Ibig-sabihin limang nota lang: C, D, E, G, A. Diyan natatangi ang awitin at tugtugin sa India, China, Japan, at mga kapit-bansang naim­plu­wensiyahan nila.

Octatonic ang musikang Kanluranin. Walo ang nota: C#, E, G, Bb, C, Eb, F#, A.

Pamilyar ang modernong Pilipino sa octatonic scale dahil sa impluwensiya ng Kastila at Amerikano. Pero ang sinaunang musika ng mga katutubo sa ating kapuluan ay pentatonic. ‘Yon ay dahil impluwensiyado ng India ang mga ninunong Indonesian at Malay.

Pero saan sumibol ang musika? Bakit lahat ng kultura, luma o modern, ay may awit at tugtog?

Sinasabing sa Africa sumibol ang unang tao: Homo sapiens. Teorya ni naturalist-geologist-biologist Charles Darwin na inimbento nila ang musika para sa panliligaw at pangangaribal.

Mgaibongumaawitginuhitni Father Athanasius Kircher, 1650 — Wikipedia Photo

Nabuo ni Darwin ang Theory of Evolution matapos pag-aralan ang mga hayop sa South America. Minasdan niya ang gawi ng mga ibon, musang at balyena. Pare-parehong nagmumusika sa panliligaw at pakikiaway.

Iba ang pananaw ng mga kapwa siyentipiko ni Darwin nu’ng dekada-1870s. Iginiit noon ni William James na nagkataon lang nilikha ang musika dahil sa katangian ng utak ng tao. Produkto raw ito ng nervous system.

Patuloy ang debate hanggang ngayon. May nagtutulad ng musika sa pagsasalita, imbensiyong pangkultura na hindi lang sa panliligaw o labanan, at walang kinalaman sa bata o matanda, malakas o mahina.

Tiyak teknolohiya ang lulutas sa misteryong ito. Maipapaliwanag din kung bakit masarap sumayaw sa saliw ng musika.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ART

MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with