^

PSN Opinyon

Gen. Francisco, incoming NCRPO chief!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Lumalakas ang Marites sa Camp Crame na may magaganap na reshuffle sa PNP pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos sa Lunes. Siyempre, kung sino ang kausap mo, ang mga amo nila ang manok nila para sa mga juicy positions ng PNP, di ba mga kosa?

Mukhang may isang mataas na opisyal ng PNP na hindi na pumapasok kaya’t may aakyat sa puwesto n’ya para hindi mabakante ang serbisyo ng opis n’ya. Get’s n’yo mga kosa? At dito palakasan din, lalo na ‘yaong may mga padrino, di ba Boss Libi Sir? Tsk tsk tsk!

Wala namang bago d’yan at mukhang hindi na matapus-tapos ang problema ng PNP na palakasan system ng mga Cabinet officials at pulitiko. Anong sey mo PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir?

Ang matunog na balita, itong si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ay iakyat na bilang The Chief Directorial Staff (TCDS). Ang hindi pumapasok na opisyal, ay nasa tinatawag na Command Group, na comprise nina Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang Deputy Chief for Administration (DCA); Lt. Gen. John Michael Dubria, ang Deputy Chief for Operations at Lt. Gen. Jon Arnaldo, ang TCDS.

Kayo na mga kosa ang umalam kung sino kina Peralta, Dubria at Arnaldo ang lilisan sa puwesto nila. Si Peralta ay magreretiro na sa Agosto. Kung wala namang maalis sa tatlong lieutenant general, hindi puwede si Nartatez mag-TCDS. Mismooo! Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang matunog na magiging hepe ng NCRPO ay si CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco. Maikli man ang termino ni Francisco sa CIDG, subalit napuno naman ang notebook ng accomplishments n’ya, kabilang na dito ang paglutas ng kaso nina beauty queen Geneva Lopez at Israeli boyfriend Yitshak Cohen.

Kaya dadalhin ni Francisco ang kasipagan at innovative na estilo niya sa paglutas ng kaso mula sa CIDG patungong NCRPO, di ba mga kosa? Simple lang p’ro rock! Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding na may bangs!

Kung sabagay, hindi na bago si Francisco sa NCRPO. Malinaw pa sa isipan ni Dipuga na marami din s’yang kaso na nalutas noon, kabilang na ang kaso ng isang beauty queen din na itinapon sa dagat sa Navotas. Ang natandaan ko, panahon ‘yon ni NCRPO chief Boysie Rosales, at nahukay ang bangkay ng biktima ng mga tauhan ni Francisco. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa mga criminal groups dyan at drug syndicates, tumabi na kayo at baka masagasaan kayo ni Francisco. Sanamagan!

Ang pinakaabangan ng mga kosa ko sa Camp Crame ay kung sino ang papalit kay Francisco sa CIDG? Ang Marites, kapag hindi nakuha ni Nartatez ang TCDS, maari silang mag-swap ng position ni Francisco. Araguyyyyy! Tumunog naman ang pangalan ni PRO7 director Brig. Gen. Anthony Aberin, na ang padrino ay ang negosyanteng si Manny Cuevas.

Ayon sa mga kosa ko, maraming eroplano si Cuevas, at natulungan siya ni Aberin noong nasa Avsegroup pa ito bago mapunta sa PRO7. Get’s mo Boss Libi Sir? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito! Abangan!

vuukle comment

CAMP CRAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with