^

PSN Opinyon

Alyas RR, ginagatasan din ang PNP officials!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAY ibang grupo pa pala na ginagatasan din ang mga police officials para makaupo sila sa magagandang puwesto­ sa PNP. Tsk tsk tsk! Ano ba ‘yan? Kung ang grupo ni alyas Libi ay nakasandal sa top government official, itong bagong tropa naman ni alyas RR ay pulitiko ang amo. Araguyyyyy!

Kaya puro tumbling ng mga police officials natin kasi nga malaki ang obligasyon nila sa mga nagpa-upo sa kani­la­ sa puwesto. Get’s n’yo mga kosa? Kaya ‘wag na kayo mag­taka mga kosa kung itong PNP ay hindi na makaahon­ ang imahe dahil nais ng mga RD, at iba pang top officials ay nagbabawi ng ginastos nila. Hayyyyyy life! May pag-asa pa kaya na matigil ang mga raket na ito sa PNP? Dipu­gaaaaa!

Kung itong tropa ni Libi ang hinihingi na tara para sa RD ay P10 milyon, itong grupo naman ni RR ay humihingi rin ng tara. Sal-it! Ayon sa mga kosa ko, paiba-iba kasi ang singil ni RR para sa puwesto ng Regional Finance Service, Regional Comptroller, mga PDs, DRDA’s at hepe ng mga support units.

“Meron ding @RR na allegedly linya sa mga juicy na puwesto sa PNP. Pero dapat magbigay ng tara ang police official bago kausapin ito,” anang kosa ko sa Camp Crame. “Tatarahan muna ang police official bago makaharap ni RR, na diumano ay COS ng isang pulitiko,” ang dagdag pa n’ya. Sanamagan! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

May napaupong CRS sa Luzon na rekta kay RR. Kaya hindi nagtataka ang mga kosa ko kung mapabilis ang pag­puwesto nitong CRS dahil sa impluwensiya ni RR. Dipu­­­gaaaaa! Ang nakaririmarim pa mga kosa, kapag mara­ming­ kandidato sa isang puwesto, sisiraan ng tropa ni RR ang ibang kandidato para ‘yaong nagbigay ng tara ang mapu­puwesto. Sanamagan! Hindi na level the playing field ito.

At higit sa lahat, tulad sa tropa ni Libi, hindi na sterling ser­vice record ang basehan sa puwestuhan kundi pitsa. Alam kaya ni tongressman….este congressman pala ang raket na ito ni RR? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Maraming nagkainteres na makilala si Libi at tiyak ga­nundin si RR. Ewan ko lang kung gusto nilang mapa­pu­westo o Marites lang sila. Hindi pa batid ng mga kosa ko kung may linya sina Libi at RR kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Kasi nga ba naman, open-secret na hindi sina Libi at RR ang mag-iisyu ng order para mapaupo ang isang police official kundi si Marbil. Get’s n’yo mga kosa?

Mabilis lang makilala ni Marbil kung sino sina Libi at RR dahil magla-lobby ang mga ito sa opisina niya. Dipugaaa! Dapat mahubaran na sina Libi at RR, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Iniutos na ng Palasyo sa ISAFP na alamin at tadyakan si Libi. Dapat isama rin nila si RR para matuldukan na itong raket sa PNP. Si National Security Adviser Eduardo Año kaya interesado ring makilala sina Libi at RR. Lagot kayo ngayon! Makararating kay President Bongbong Marcos ang inyong raket. Ano pa nga ba? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with