^

PSN Opinyon

Kampanya vs cigarette smuggling, iniutos ni Marbil!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Kung seryoso si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil­ sa iniutos n’yang malawakang kampanya laban sa peke at smuggled na sigarilyo, dapat una n’yang kalusin ang mga pulis na “patong” sa sindikatong nasa likod ng cigarette smuggling. Open secret naman ‘yan mga kosa na kung may mga pulis na nakisawsaw sa POGO, abayyyyy meron din sa cigarette smuggling. Araguyyyyy!

Itong mga pulis na pasok sa cigarettes smuggling ang dahilan kung bakit nakarating sa Luzon, lalo na sa Pampanga at Bulacan, itong mga smuggled cigarettes. At ano ang role ng mga pulis? Siyempre, taga-ayos ng kapwa nila pulis kapag nahuli ang kanilang kontrabando. Mismooooo!

Para sa kaalaman ni Marbil, ganito ang sistema ng mga nasa likod ng cigarette smuggling syndicates para hindi masalto ng mga pulis ang kanilang illegal na negosyo. Ginagawa ng tropa ni Boss Sakur na kasosyo ang mga RD, PD at iba pang opisyal ng PNP nang sa gayon wala silang huli. Siyempre, dinadaan ang mga epektos sa dau­ngan sa Zamboanga, Palawan, Sulu, at sa iba pang lugar na malapit sa Malaysia at Indonesia, ang source ng mga epektos, anang mga kosa ko.

Kaya malaking hamon sa kakayahan ni Marbil itong kampanya laban sa cigarette smuggling, na ayon sa mga legal na cigarettes manufacturers ay naging dahilan para mawalan ng aabot sa P60 bilyon taxes ang gobyerno. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya kung pinag-initan ni Marbil ang mga pulis na nakasahod sa POGO, ganun din dapat ang gagawin n’ya sa mga pulis na patong sa cigarette smuggling. Eh di wow! ‘Yan ay para malinis ng tuluyan ang imahe ng PNP ng mga tinatawag na scalawags. Mismooooo!

“I have directed all concerned police units to intensify the crackdown against fake and smuggled cigarettes,” ani Marbil. “The PNP is committed to eradicating the illicit cigarette trade that not only undermines government revenues but also poses serious health risks to the public. Our intensified efforts will include heightened surveillance, stricter border controls, and coordinated operations with other law enforcement agencies,” ang dagdag pa ni Marbil. Ang sakit sa bangs ng mga pulis nito!

Ang aksiyon ni Marbil ay alinsunod sa report ng Bureau of Internal Revenue na ang naglipanang peke at smuggling ng sigarilyo ay nagdulot ng 15.9 na pagbaba ng kita ng cigarette manufacturers sa taong 2023 sa halagang P25.5 bilyon. Mula Enero hanggang Abril sa taong ito, umabot sa P6.6 bilyon na ang talo sa legal na sigarilyo. Eh di wow!

“The battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just a fight for revenue or law enforcement; it is a crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability. We will not rest until every illicit operation is dismantled, every counterfeit product seized, and every violator brought to justice,” ani Marbil.

Wow! Magagawa lang ito ng PNP kung hahabulin nila ang mga pulis na sosyo-laway sa cigarette smuggling, di ba mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Our goal is clear: we will safeguard our country from the evils of this illicit trade that comes as an affront to the welfare of small farmers and their dependents. We are committed to bringing its purveyors to justice, no matter who or what they are,” ang giit ni Marbil. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with