^

PSN Opinyon

Kutsara na kayang pasarapin ang matabang na pagkain, mabibili na sa Japan!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Commercially  available na sa Japan ang tinaguriang “smart spoon” na may kakayahang gawing malinamnam ang pagkain na kulang sa lasa!

Taon 2022 nang inanunsyo ng kompanyang Kirin Holdings na nakipag-collaborate sila sa Meiji University para gumawa ng mga ‘smart’ kitchenwares na mayroong ‘taste-enhancing technology’. Sa kanilang pagtutulungan, na­ka­pag-imbento sila ng kutsara, chopsticks at mangkok na kayang pasarapin ang mga pagkain sa pamamagitan ng electricity.

Ngayong 2024, inilunsad na nila sa mer­kado ang isa sa mga ito, ang ‘Elecispoon’. Gi­nawa ng Kirin Holdings ang kutsarang ito para sa mga taong gustong pangalagaan ang kanilang kalusugan at gustong bawasan ang paggamit ng asin sa kanilang mga lutong bahay. May kakayahan kasi ang kutsara na ito na dagdagan ng alat ang pagkain.

Ayon sa press release ng Kirin Holdings, ang dulo ng Elecispoon ay may mekanismo na kayang mag-transfer ng electric charge sa pagkain na masasandok nito. Kaya rin nitong mag-generate ng electric field sa dila ng guma­gamit nito. Ang electric field ang nagiging sanhi kaya lumalakas ang sodium ions na makapagpapalasa sa pagkain nang hindi gumagamit ng asin.

Nagbigay ng babala ang Kirin Holdings na hindi lahat ng tao ay maaaring gumamit ng Elecispoon. Dahil gumagamit ng kuryente­ ang naturang kutsara, hindi ito maaaring gamitin­ ng mga taong may facial nerve disorder, may allergy sa metal at mga taong mahina ang pakiramdam sa temperatura ng isang bagay. Hindi rin ito puwede sa mga mayroong electrically-powered medical implants tulad ng pacemaker, mga buntis at mga sumasailalim sa dental treatments.

Nitong nakaraang buwan ay 200 units pa lamang ang ni-release ng Kirin Holdings sa kanilang online store. Magiging widely available ito sa mga pamilihan sa Japan ngayong June. Nagkakahalaga ng 19,800 Yen (P7,434) ang isang unit nito.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with