^

PSN Opinyon

Ebidensiya ng kasal

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

IKINASAL sina Tita at Ernie noong Set. 30, 1942 sa Simbahang Katoliko sa kanilang parokya. Nagkaroon sila ng apat na anak: Gerry, Bert, Mila at Jim. Pagkalipas ng 12 taon, umalis at iniwan na ni Ernie ang kanyang pamilya. Walang nakaaalam kung nasaan siya. Hanggang lumipas ang apat na taon, nalaman ni Tita na ito ay nasa ibang siyudad sa bansa at may kinakasamang ibang babae, si Virgie. Namatay din si Virgie at hindi sila nagkaroon ng anak ni Ernie.

Napag-alaman ni Tita na si Ernie ay nag-asawa muli ng iba, si Gilda. Hindi naglaon, namatay na si Ernie kaya nagsampa na siya ng kaso laban kay Gilda upang ipawalambisa ang kasal nila ni Ernie dahil ito ay bigamya. Ginawa niya ito upang protektahan ang karapatan ng mga anak niya at ni Ernie.

Sa pagdinig ng kaso tumestigo si Tita tungkol sa kanilang kasal ni Ernie sa pari ng kanilang parokya. Si Lita na kapatid ni Ernie na nakasaksi ng kasalan ay tumestigo rin pati na ang panganay na anak nila si Gerry na ipinahayag na ang ina nila ay kasal sa kanyang amang si Ernie na pumanaw na. Nagprisinta rin si Tita ng mga dokumento maliban sa marriage certificate na nawala na dahil ang mga talaan ng civil registrar ay nasunog noong World War II.

Sa kabilang dako, tumestigo si Gilda tungkol sa kasal nila ni Ernie at tungkol sa buhay nila bilang mag-asawa. Sinabi rin niya na inalagaan niya si Ernie noong may sakit na ito. Alam din daw niya na ang kasal ni Tita at Ernie ay hindi ayon sa batas kaya si Tita ay kabit lang ni Ernie. Nagprisinta rin siya ng mga dokumento upang patunayan ang kanyang testimonya tulad ng marriage contract nila ni Ernie at ang affidavit ni Ernie na nagsasaad na siya ay binata pa at kabit lang niya si Tita, pati na ang sertipiko ng civil registrar na kanilang lugar tungkol sa kasal nila ni Ernie.

Pagkaraan ng paglilitis, nagpasya ang RTC laban kay Tita at hindi ginawad ang kanyang petisyon. Ang desisyong ito ay binaliktad ng Court of Appeals (CA) na idineklara na may bisa ang kasal nila Tita at Ernie habang pinasyahan din nito na walang bisa ang kasal ni Gilda kay Ernie na isang bigamya daw. Tama ba ang CA?

Tama sabi ng Supreme Court. Ayon sa SC, ang marriage certificate nga ang pangunahing katibayan ng kasalan pero hindi ito ang tanging ebidensiya ng kasal. Kahit na ang birth certificate ng mga anak ay matibay na ebidensiya ng kasal ng kanilang magulang.

Mali ang RTC na kung walang marriage certificate, wala nang katibayan ng kasalan. Dito sa kaso ang kontrata ng kasalan ay napatunayan din ng testimonya ni Tita kapatid ni Ernie, na pumunta sa kasalan, at si Tita mismo bilang isa sa partido ng kasalan. Ang pagkawala ng sertipiko ng kasal ay pinatunayan ng testimonya ng pari ng parokya at ang affidavit niya na nauukol, tunay at matatanggap na ebidensiya. Kung nawala nga ang marriage certificate, sekundaryong ebidensiya tulad ng testimonya at iba pang document ay matatanggap upang patunayan ang kasalan.

Dito sa kaso ang kasal ay napatunayan ng testimony ni Lita, Gerry at Tita at mga birth certificate ng apat na anak at ang binyagan at sertipikasyon ng kasal na ibinigay ng pari ng parokya. Bukod dito, ang isang lalaki at babae na kumikilos bilang mag-asawa ay pinapalagay na nagkontrata ng kasalan (Macau vda de Avenido vs. Avenido, G.R. 173540, January 22, 2024).

vuukle comment

MARRIAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with