Matinding destabilization
Nagtutulong na ang ama at anak na mapatalsik sa tungkulin si Presidente Marcos. Matapos ang pagmumura at pagbabanta sa buhay ng Presidente at Unang Ginang at House Speaker Martin Romualdez, umarangkada naman si Tatang!
Lantarang hinamon ng dating Pangulo ang militar na iatras na ang pagsuporta kay Marcos na tinawag niyang adik.
Dapat kasuhan na ng inciting to sedition si Digong at kung hindi’y magtutuloy-tuloy ang ginagawa nilang kabalbalan. Mabuti at tiniyak ng militar na nananatili ang katapatan nila sa Konstitusyon at watawat at patuloy nilang puprotektahan ang pinuno ng bansa.
Hindi pa rin puwedeng maliitin ang lakas ng mga Duterte dahil may ilan pang kababayan natin na bulag na sumusuporta sa kanila.
Hindi ako maka-BBM pero naniniwala ako na hindi tama ang pagdaraos ng rebolusyon para patalsikin siya lalo pa’t klaro ang intensiyon ng mga Duterte: na sila’y magbalik sa kapangyarihan.
Alang-alang sa ikapapayapa ng lipunan, sampahan na ng kaso ang mag-amang ito. “Feeling gods” pa kasi sila na puwedeng gawin kahit ano at ito’y karapatan nila. Ipairal na ang batas!
At nawa, ‘yung ilan na sumasamba pa kay Duterte ay mamulat na at tingnan ang ikabubuti ng kinabukasan ng bansa.
Sedisyon kay Digong at grave threat kay Sara!
- Latest