^

PSN Opinyon

Iwasan ang pulikat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG pulikat (cramps) ay ang biglaang paninigas ng muscle ng katawan. Kadalasan, dahil ito sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.

Minsan, naiipit ang nerve sa balakang o laging nakaipit sa isang puwesto nang matagal.

Kapag kulang sa mineral ang katawan, tulad ng mababa sa potassium, calcium, at magnesium, puwedeng pulikatin.

Ang mga taong madalas pulikatin ay ang may edad, kulang sa tubig na iniinom, buntis at mga may sakit sa diabetes at thyroid.

Narito ang first aid sa pulikat:

1. Stretch at imasahe – I-stretch ang bahagi ng muscle na namulikat o nanigas at dahan-dahang imasahe para ma-relax,

2. Hatakin ang paa – Para sa namulikat na binti o paa, ideretso ng bahagya ang binti at hita. Kung hindi makatayo, umupo sa sahig o silya kasama ang apektadong binti.

3. Hot o cold compress – Gumamit ng hot compress para mabawasan ang sakit ng pamumulikat.

Para maiwasan ang pulikat:

1. Iwasang makulangan sa tubig – Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw. Ang dami ng iinuming tubig ay de­pende sa iyong mga ginagawa, panahon at edad.

2. I-stretch ang muscle – I-stretch bago o pagtapos mo gamitin ang anumang bahagi ng muscle o kalamnan. Kung nagkakaroon ng pamumulikat ng binti sa gabi, mag-stretch muna bago matulog. Maaari itong makatulong upang maiwasan ang pamumulikat sa gabi.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with