^

PSN Opinyon

E-sabong patuloy, PNP ‘alang magawa

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang e-sabong sa bansa. Umaabot na sa 789 ang e-sabong operations sa buong bansa at walang kakayahan ang Philippine National Police (PNP) para ito sawatain. Hindi nila kaya ang mga “utak” ng e-sabong dahil nakasandal sa pader ang mga ito.

Gaya ng isang pulitiko sa Hilagang Luzon na malapit kay President Bongbong Marcos Jr. na pasimuno ng e-sabong operations sa bansa.

Ang pulitiko ay napakalawak ng impluwensiya sa pamahalaan. Busog na busog na ang bulsa niya dahil sa e-sabong. Pinamumunuan ng pulitiko ang Sabong World Cup (SWC) na  may studio farms sa Batangas. Dito vini-videohan ang mga sabong na nagaganap.

Ang tatlong websites ng SWC ay may mga passwords kung saan malayang makapapasok ang mga e-sabong afficionado, bata man o matanda, saan man bahagi ng bansa.

Isa sa studio farm ay kay alyas JCap na nasa Ibaan at Lipa City, Batangas. Pero nakasandal si JCap sa pader dahil ang protector niya ay isang police colonel na naka-assign sa PNP National Support Unit (NSU) sa Region 4A.

Nasa ilalim ni JCap sina: Aries Alvarez bilang operations head; John Anthony Magdadaro, tagapamahala sa Information Technology (IT); Dade Arguiles, coordinator at co-owner; Ajho Dimaano, Vincent Eric Arive Gobon, Mac Ignacio Aldrin Ablao, co-owners; at alyas Kalasti, core-member.

Hindi nabanggit si Pitmaster owner Charlie “Atong” Ang, ngunit pinalulutang ang kanyang pangalan para ikubli ang e-sabong operations ng pulitiko sa Norte.

Eksakto naman ang paghahain ni Senator Alan Peter Cayetano ng Anti-Online Gambling Act. Sana ito na ang lulupig sa e-sabong at sa mga protector nito gaya ng pulitiko sa Hilagang Luzon na malapit umano kay PBBM.

Sa katunayan,  mas mabigat nga dapat ang parusa sa mga opisyal ng gobyerno na kasangkot sa operasyong pinagbabawal.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with