^

PSN Opinyon

Ano ang otitis media?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang otitis media ay ang tinatawag na luga. Bakit nagkakaluga?

Nag-uumpisa ito sa sipon, sinusitis, allergy, impeksiyon dala ng virus o bacteria sa tainga. Dahil dito, ang sipon mula sa ilong ay pumupunta sa taynga sa pamamagitan ng Eustachian tube. Nababarahan ang Eustachian tube at ito ang dahilan kaya nagkakaluga.

Mas madalas magkaluga ang mga bata kaysa sa matatanda.

Ang sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng taynga at pagkabingi. Kapag malala na ang impeksiyon, puwedeng mabutas ang ear drum.

Narito ang payo:

1. Kumunsulta sa pediatrician o ENT specialist. Nagre­reseta ang doktor ng antibiotic tulad ng Amoxycillin syrup o capsule, sa loob ng 7-10 araw.

2. Huwag humiga ng flat sa kama. Umupo o itaas ang unan para mag-drain, paagusin ang luga sa taynga.

3. Uminom nang maraming tubig para lumabnaw ang sipon. Ang madalas na paglunok ay makatutulong sa pag­labas ng luga.

LUGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with