^

PSN Opinyon

Central Luzon crime rate, down by 4.46%!—Hidalgo

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Flash Report: Congratulations sa mga bagong promote na sina Lt. Gen. Jonnel “Esto” Estomo at Maj. Gen. Ronald­ Lee. Si Estomo ay commander ng Area Police Command-Western Mindanao samantalang si Lee ang hepe ng Direc­torate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD). Sila ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw Diwa Class ’92.

Sina Estomo at Lee ay may magandang role sa pagkalutas ng murder ni mediaman Percy Lapid, kung saan isinabit si BJMP director Gerald Bantag. Puwede na sila mag-chief ng Philippine National Police  sa pagretiro ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Marso 31. Ano sa tingin mo ex-PNP chief Junaz Azurin Sir?

Sa pag-3 star ni Estomo, na dating hepe ng NCPRO, puwede na rin siyang ilipat sa Camp Crame sa pagretiro ni Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa January 26. Mabuhay sina Estomo at Lee. Kitakits sa April 1.

• • • • • •

Dumausdos ang crime rate ng Central Luzon ng 4.46 percent dahil sa mga programa na naipatupad ni PRO3 Director Brig. Gen. Jose “Daboy” Hidalgo Jr. Pinasalamatan­ ni Hidalgo ang walang sawang pagtrabaho ng kanyang­ mga tauhan para panatilihing matahimik at ligtas ang mama­mayan sa kanyang sakop.

Hindi lang ‘yan, sinaluduhan din ni Hidalgo ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lalo na ang local government units (LGUs), sa walang katapusang kooperasyon nila sa kapulisan, lalo na sa pagtugis ng mga kriminal at mga sangkot sa droga. Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa record ni Hidalgo, ang Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija at Bataan ay nagkaroon ng 38,364 na krimen noong 2023, o bumaba ng 1,791 na kaso o 4.46 percent, sa 40,155 na krimen noong 2022. Aniya, malaking papel ang ginampanan ng enhanced managing police operations at inter-active engagement policing (IEP) para maisakatuparan nila ito.

“Dito sa IEP, ang ginawa namin ng command group ay ikinalat ang celfone number sa mga mamamayan para direkta­ na silang maka-report, hindi lang ng krimen kundi maging ng traffic situation, kaya’t mabilis ang pagresponde ng mga pulis natin,” ani Hidalgo.

“Noong panahon naman ng barangay elections, ibinaba ko sa kalye ang mga pulis para magsagawa ng checkpoint operations, lalo na ang Oplan Sita, na nagresulta sa pagkumpiska ng ng maraming baril at iba pang bawal na kagamitan, kaya matahimik talaga ang aming lugar.” Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa nakaraang taon, umabot sa 9,001 wanted persons ang itinapon ng mga tauhan ni Hidalgo sa likod ng rehas na bakal, at 1,303 sa kanila ang matawag na most wanted persons. Anim sa kanila ang nasa national level, 66 sa regional level, 199 sa provincial level, at 1032 sa municipal at city levels. Mismooooo!

Hamakin n’yo mga kosa kung palaboy-laboy pa sa kalye itong 9,001 na mga kriminal eh di makadagdag pa sila sa sakit ng ulo ng kapulisan. Tumpak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Aabot naman sa 8,398 katao ang naaresto sa kampanya ng PRO3 versus droga at P3.9 milyon halaga ang nakumpiskang shabu, marijuana at iba pa.

Abangan!

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with