Mga Pilipino optimistic sa 2024
Ang magandang katangian nating mga Pilipino ay positive minded tayo. Sa kabila ng mga problemang pangkabuhayan, nananatili tayong optimistic.
Ayon sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) 48 porsiyento ng mga Pilipino ay tiwalang gaganda ang kabuhayan sa papasok na taong. Ibig sabihin halos kalahati ng populasyon ay naniniwalang magkakaroon ng magandang pagbabago ang buhay pagdating ng 2024.
Pitong porsiyento sa mga tinanong ang walang tugon habang anim na porsyento lang ang nagsabing lalung lulubha ang economic situation. Ibig sabihin, kakaunti lang yung mga talagang negative ang prediction sa kalagayan ng ekonomiya.
Ayon sa SWS nasa plus 42 percent naman ang nagbigay ng net personal optimism na “excellent” hinggil sa takbo ng pamamalakad sa economy. Mahalaga ang optimistikong pananaw ng mamamayan.
Naniniwala ako na kung ano ang pananampalataya mo, ito ang mangyayari. Imbes na magmukmok at magreklamo sa problema ng inflation na wala naman tayong maiaambag para malutas, pairalin na lang ang ating pananampalataya.
Magtiwala at manalangin sa Diyos na siyang kikilos para maibsan ang mga problemang pinapasan natin. Maligaya at mabiyayang Pasko sa inyong lahat.
- Latest