^

PSN Opinyon

Walang bisang pamimigay

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

IPINAGBABAWAL ng batas na ipamigay ang mga ari-arian na naipundar nila noong sila ay mag-asawa na. Ito bang pagbabawal na ito ay sakop ang mga ari-arian na natamo habang nagsasama lang sila at hindi pa nagpapakasal o kung ang kasal nila ay walang bisa?

Ang lupa sa kasong ito ay may sukat na 350 metro kuwadrado at titulado sa pangalan ni Rolly at Mely na may dalawang anak na sina Rico at Rica. Bago sila kinasal, si Rolly ay may-asawa na at may mga anak. Isa rito ay si Joey na may anak din, si Jerry.

Dalawampung taon makaraan nang sila ay ikasal, pu­mirma si Mely ng unang kasulatan na itinatakwil na niya at ipinauubaya niya ang kanyang karapatan sa lote (RWR) kay Rolly. Kaya ang titulo ng lote ay nilipat na sa pangalan ni Rolly. Makaraan ay sinangla ni Rolly ang lupa kay Johny. Pero nadeklara ng RTC na ang kasal nila ni Mely ay walang bisa sa simula pa. Nang namatay si Rolly, pumirma ang mga lehitimong anak niya ng extradudicial settlement of estate.

Kaya nagsampa ng kaso si Rica sa RTC na pawalang bisa ang titulo ni Jerry, Sinabi ni Rica na isa siya sa mga anak ni Rolly at Mely at ang waiver na pinirmahan ng nanay niyang si Mely ay malinaw na nakapinsala sa kanyang mamanahin.

Bilang sagot, itinanggi ni Jerry na ang asawa ni Rolly na si Mely ay may parte pa sa lupa at wala nang karapatan dito noong gumawa siya ng RWR. Tinanggi rin niya na pinilit lang si Rolly na pumirma sa deed of donation. Sinabi rin niya na ang RWR at deed of donation ay hindi lumabag sa batas na pinagbabawal ang libreng paglilipat na ari-arian ng mag asawa sa isa’t isa dahil ang kasal naman ni Rolly at Mely ay napawalang bisa na.

Ngunit pinaboran ng RTC si Rica at pinawalang bisa and RWR at deed of donation. Kinumpirma ito ng Court of Appeals (CA). Inapila ni Jerry ang mga desisyong ito sa Supreme Court (SC). Ikinatwiran niya na si Rolly at Mely ay hindi naman talagang kasal kaya ng pinagbabawal ng batas sa Article 89 ng Family Code ay hindi mailalapit.

Sabi niya na ayon sa SC Article 147 ng FC, ang nasabing lupa ay natamo ni Rolly at Mely sa pamamagitan ng kanilang pinagtambal na pagsisikap kaya ito ay pag-aari nilang pareho. Kaya bilang parehong may-ari, maaaring ibigay ng isa sa kanila ang karapatan niya dito kung pumayag ang isa’t isa.

Ngunit ayon sa SC mali si Jerry kahit na tamang pinasyihan ng CA at RTC na ang RWR ay walang bisa batay sa Article 87 of the FC, ang probisyon na nagsasaad na ang donasyon o libreng pagbibigay sa pagitan ng mag-asawa noon kasal pa sila ay mali, dahil mali ang paniniwala nila na ang kasal nila ay may bisa hanggang namatay si Rolly. Dito sa kaso ang kasal nila Rolly at Mely ay nadeklara na ng RTC na walang bisa sa simula’t simula pa. Kaya ang Article 87 ng FC na ang pagbabawal ang paglilipat sa pagitan ng babae at lalaking nagsasama na hindi pa kasal ay dapat masunod at ayon sa Artcle 87 ng FC, ang RWR na pinirmahan ni Mely pabor kay Rolly ay walang bisa.

Kahit nga ipalagay na ang kasal nila Rolly at Mely at may bisa na noong pinirmahan ang RWR dahil ito ay maituturing na isang pagbibili o “sale” ito ay balewala pa rin dahil ang pagtitinda sa pagitan ng mag-asawa ay pinagbabawal pa rin ng Article 1490 ng Civil Code na nagsasaad ay hindi pwedeng ipagbili ng mag-asawa ang ari-arian sa isa’t isa maliban kung mayroon ng hatian na aprubado ng korte. Kaya ang deed of donation kay Rolly ay walang bisa dahil ito ay pinagbabawal ng Article 147 ng FC (Perez, Jr vs Senerpida etc., G.R No. 233365, March 24, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with