^

PSN Opinyon

Malinaw at mabisang katibayan

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito nina Annie at Jerry. Nagkatagpo ang dalawa, 22 taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng text messaging. Nagkita sila ng personal sa isang party at tuluyan nang nagsama sila hanggang manganak si Annie.

Kahit na hindi sang-ayon ang mga magulang, tuluyan­ nang nagpakasal ang dalawa, dalawang taon pag­ka­raan­ nang sila’y magkita. Nanirahan sila sa magulang ni Jerry sa probinsiya kung saan napansin ni Annie na palaging uma­­alis si Jerry kasama ang mga kaibigan hanggang sa umaga at tanghali naman magigising dahil wala namang trabaho at sinusuportahan lang ng mga magulang na may-ari ng sari-sari store.

Anim na buwan nakaraan ng sila’y ikasal nagpasya si Annie na mag-aral muli ng mass communication na natapos niya ng may karangalan. Si Jerry naman ay natapos­ ng culinary arts at nagtrabahong cook. Pagkatapos ay naka­kuha ng kontrata sa ibang bansa pero bumalik din dito kung saan lumala pa ang kanyang paglalasing at naging lalong malupit kay Annie.

Tuloy pa ring nagsama sila sa tulong ng mga magulang ni Jerry dahil ayaw na ni Jerry magtrabaho at maniwalang tutulungan pa sila ng mga magulang niya. Pagkaraan ay iniwan na ni Annie si Jerry at iniwan niya ang anak nila sa ma­gulang ni Jerry at pumunta ng Singapore. Ang pagsisikap niyang makipagkasundo kay Jerry ay walang saysay nang malaman niyang may anak na si Jerry sa ibang babae.

Dahil dito, nagsampa siya ng petisyon sa korte upang ideklarang walang bisa ang kasal nila dahil sa walang siko­lohikal na kakayahan ni Jerry na gampanan ang kan­yang tung­kulin bilang asawa.

Maliban sa testimonya ni Annie tungkol sa mga pangyayaring ito, tumestigo rin ang kanyang ina at ang clinical psychologist na si Dra. Tamayo na nagsabi na ineksamin niya si Annie at Jerry at base sa kanyang obserbasyon at resulta ng kanyang pagsusuri, napatunayan niyang si Jerry ay binabalewala at nalalabag ang karapatan ng ibang tao. Hindi siya mapapagkatiwalaan at maasahan na gumanap  sa kanyang mga personal na tungkulin. Ito ay mula pa ng siya ay bata.

Pinaniwalaan ng Korte ang report na ito ay base dito ay magpasya ito na ideklarang walang bisa ang kasal nila ni Annie at Jerry.

Binaliktad ito ng Court of Appeals na sinabing ang kabuuang ebidensiya ay di nagpatunay na grabe talaga ang sikolohikal na walang kakayahan si Jerry na gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Tama ba ang CA?

Mali sabi ng Supreme Court (SC). Ayon sa SC ang tatlong tao na tumestigo sa Korte tungkol sa sikolohikal na walang kakayahan ni Jerry ay nagpapatunay na grabe talaga ito. Napatunayan nila na si Jerry ay pabaya sa kanyang tungkulin bilang asawa, laging umiinom, walang trabaho, tamad, at iresponsable, magalitin, agresibo. Kaya napatunayan talaga ni Annie ang sikolohikal na walang kakayahan si Jerry na gampanan ang tungkulin bilang asawa niya (Torres vs. Torres G.R No. 248675, July 20, 2022).

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with