^

PSN Opinyon

SOP sa Baba, paitaas

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG may usok, may sunog.

Itong usok na bumubuga ngayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) base sa paglalantad ng dating Head Executive Assistant ni Chief Teofilo Guadiz ay hindi na bago.

Ang hubo’t hubad na katotohanan, hindi lang sa LTFRB nangyayari ang ganito.

I-deny man ng ilan diyan, ang tamaan ay mabukulan —nangyayari ang suhulan, butaw, quota o S.O.P mula sa ibaba, papunta sa taas sa iba’t ibang tanggapan ng gob­­yerno maging sa mga Government Controlled Corporations.

Kabahagi na yata kasi sa kultura’t operasyon ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa Pilipinas ang nagaganap na “suwabeng” katiwalian. Nadidiskubre na lang ang modus kapag may kumakanta.

At sa anumang kadahilanan ng pagsisiwalat, maaaring diskuntentado man, may galit o gustong gumanti nang nag­lalantad ng katiwalian.

Ayon sa isang kasabihan, ang kawatan ay galit sa kapwa­ kawatan. Ayaw ng kawatan na malamangan siya ng kapwa kawatan.

For your information, kahit na sa mga tiwali at kriminal ay may code of ethics na sinusunod sa kanilang estilo ng krimen. It reminds me of a story, Alibaba and the forty thieves.

Walang baho na hindi sisingaw. Gaano man kaliit ang apoy o kahit baga pa lang ‘yan, may usok na lalabas.

Bakit talamak na naman sa mga tanggapan ang korap­siyon? Kailan ba masasawata ito?

Iba’t ibang presidente na ang nagdaan, iba’t ibang opis­yales na ang itinalaga, pati mga empleyado, binago na rin. Subalit, ‘yung kultura ng “ang lagay eh” paano naman ako—nananatili pa rin.

Kapag nakita na mahina ang sistema, bubutasan.  Kapag nabigyan ng oportunidad, gagalingan ‘yung naabutang kultura.

May saysay pa ba ang “Public office is Public trust?”

FIRE

LTFRB

SOP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with