^

PSN Opinyon

Kontratistang Pinoy, nasuba ng P54-M!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NANLULUMO ngayon ang maliit na kontratistang Pinoy dahil nasuba siya ng P54 milyon. Nakuha niya kasi ang kontrata sa Ericsson Telecommunications PH sa pagkabit ng “system integration, structured cabling, civil works at electrical services” sa mga sikat na malls, pribadong ospital, malalaking kompanya at pribadong paaralan. Nagsimulang magtrabaho ang negosyante noong 2020 subalit hanggang ngayon, hindi pa siya binabayaran ng P54 milyon. Dapat ang mga ganitong problema ng mga negosyanteng Pinoy ay pinakikialaman ni Pres. Bongbong Marcos dahil katuwang sila sa pag-unlad ng ekonomiya! Tumpak!

Kapag hindi mabayaran ang kontratistang Pinoy, mapapasama sila sa listahan ng mga naluging kompanya at mababawasan ng katuwang ang gobyerno sa pagpapalago ng ekonomiya. At higit sa lahat, hindi ito makatutulong para hikayatin ang iba pang Pinoy na mamuhunan bilang subcontractor. “Napapanahon nang tuldukan ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanya sa Pilipinas para kumuha ng malalaking kontrata. Tapos ipagagawa sa mga Pilipino. Pagnatapos hindi babayaran. Niloloko tayo sa ating sariling teritoryo!” ayon sa kontratista.

Natuwa ang negosyanteng Pinoy nang masungkit niya ang subcon na kontrata sa naturang kompanya. Subalit ang kasayahan ay nauwi sa kalungkutan nang hindi bayaran ng kompanya kahit nakailang demand letter na siya. Kung sabagay, tahasang sinabi ng opisyales ng Ericsson Telecoms sa miting na hindi siya babayaran sa serbisyo.

Matapos hindi sagutin ang kanyang huling demand letter, nagsampa ng estafa ang kontratista laban sa walong opisyales ng kompanya, lima rito Pinoy rin, na nakabase sa Bonifacio Global City sa Department of Justice. “Respondents are clearly guilty of estafa by means of deceit under the Revised Penal Code Article 315 which says – any person who shall defraud another by any of the means of false pretenses or fraudulent acts executed prior to, or simultaneously with the commission of fraud… using fictitious names, or falsely pretending to possess power, influence, qualifications, property, credit, agency, business or imagi­nary transactions, or by means of other similar deceits,” saad sa bahagi ng reklamo.

Ano kaya ang dahilan at ayaw magbayad ng Ericsson Telecoms? Nanawagan naman kay BBM ang mga grupo ng mga maliliit na kontratista na proteksiyunan ang mga Pinoy sa mapagsamantalang foreign investors.

Abangan!

TELECOMMUNICATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with